First Love Never Dies

1.7K 39 23
                                    

This story needs a long Author’s Note. Pakibasa please. THIS IS IMPORTANT.

This is a true story. Kung nabasa po ninyo yung The Man Hater vs. The Womanizer, nakalagay sa Author’s Note ko sa ‘Chapter XVIII – Can I court you’ yung some sort of pakulo na binigay ko for my readers. So there. Congratulations to her, dahil story nya ang napili ko! Well actually, sya kasi yung unang naglakas-loob na i-PM sa’kin ang love story nya. I won’t mention her name as per her request.

At dahil nga sa ayaw nyang i-mention ko ang real names ng character ng story nya, I’ve decided na gawing KathNiel FanFic ‘to, kasi idol nya sina Kath at DJ.

Also, it’s important for you to know na ang ending ng story na ‘to ay purong kathang-isip ng may-akda lamang. THIS IS A TRUE STORY EXCEPT THE ENDING. Wala pa kasing ending ang love story nila ng Prince Charming nya, so I need to make an ending for this story.

Sis, thank you sa pagsali sa walang kwentang pakulo ng Author. ^_____^

My Author’s Note ends here.

>>>♥<<<

FIRST LOVE NEVER DIES

written by Sarrah Armenta A.K.A sjmcarmenta

Copyright ©

All Rights Reserved 2012

>>>♥<<< 

“Kaaattthh!!!”

“Juls!!!”

Tumakbo ako palapit kay Julia at ganun din s’ya sa’kin, pagkatapos ay nagyakapan kami nung nakalapit na kami sa isa’t-isa.

“Oh my God sis! Na-miss kita! Ang ganda-ganda mo na!” sabi ni Julia sabay kalas sa pagkakayakap namin sa isa’t-isa.

“Loka-loka! Ikaw rin naman ah?!” sabi ko sa kanya.

“Hello po Tita, Tito, Carlo…” hindi nya ako pinansin sa halip ay nakangti nyang binati sina Mama at Papa at ang kapatid kong si Carlo. Nag-mano sya sa parents ko at pi-nat naman nya sa ulo ang kapatid ko.

“Ate Julia naman eh…” reklamo ni Carlo sabay alis ng kamay ni Julia sa ulo nya. Nginitian lang sya nito.

“O Julia, iha, kamusta ka na?” magiliw naman na tanong sa kanya ni Mama.

“Eto po, maganda pa rin…” ^_____^

Napangiti at napailing-iling na lang ako.

“Hay naku talaga ‘to si Julia, wala pa ring pinagbago…” nasabi ko sa sarili ko.

Kadarating lang kasi namin dito sa Pilipinas galing Canada at sinundo kami nitong bestfriend kong si Julia dito sa airport.

After ng batian moment, lumabas na kami ng airport at sumakay sa van nina Julia. Syempre may driver sya. Wala naman ‘tong alam sa pag-da-drive eh.

Habang nasa byahe, napansin ko naman na sa loob ng apat na taon, halos wala naming pinagbago ang Maynila. Yung MOA, MOA pa rin. Yung Jolibee at McDo, lagi pa ring puno ng tao. Yung mga jaywalkers, jaywalkers pa din. Yung LRT at MRT, maingay pa din. Yung kalsada, hanggang ngayon, traffic pa rin. Yung matatayog na building, nakatayo pa rin. Hayyy… Parang yung pagmamahal ko lang sa kanya, hanggang ngayon, ganun pa rin. Ni hindi man lang nabawasan.

Nakakatawa lang isipin na after four years, mahal ko pa rin sya. Well, sabi nga nila diba? First love never dies. Ngayon, naniniwala na ako sa kasabihang yun.

First Love Never DiesWhere stories live. Discover now