20 5 1
                                        

With their sexy swimsuits, my friends are all over the internet. Having sunburned skins and sun-kissed hair were their fashion.

Lagi 'yan. Kada-Summer na lang, nasa beaches sila to burn their skin. Habang ako, ito nag-iimpake para bumalik sa probinsya. But I don't envy them. In fact, my Summer is burning brighter than them.

It's been years since the summer of mine was spent there for the first time. I can still recall it. Even the summer after that summer. The summer, after that summer after that summer after that summer.

Maraming beses na akong bumisita doon para sa tag-araw. And maybe, this year's summer would be the last.

Hawak ang isang mabangong papel na kulay asul na kasing tapang ng mga alon sa dagat at ang tinta na sumusugat dito ay isang imbitasyon. Imbitasyon sa nalalapit kong kasal.

Pagkabagot lang ang tangi kong nararamdaman habang nakatitig sa bintana ng sasakyang kinalalagyan ko. Kada puno, kada bundok na aming nadadaanan ay bumubulong sa akin kung gano ka-walang kwenta ang tag-araw ko kumpara sa mga kaklase at kaibigan ko.

Nang huminto ang sasakyan, bumaba sila mama at papa. Malamig at preskong hangin ang sumalubong sa akin sa pagbaba ko. It kissed every strand of my hair telling that I am new here.

"And'yan na sila!" Natatarantang sabi ng isang babae na nasa mid 30's. Pumasok s'ya sa isang bahay na sa totoo lang, ay 'di ko masyado gusto.

Compared to Manila's houses, this house is nothing. Pero sa mga nadaanan naming bahay dito, ito palang ang bahay ang nagsusumigaw sa karangyaan, maybe because fields of rice are occupying more lot than the houses. This house was old yet sophisticated. More like Spanish-built style of house.

They welcomed us warmly. At kagaya na nga ng ine-expect ko, I was flooded with "Ang laki mo na!" "Dalaga ka na talaga!" And that's beyond normal.

This is my first time here to visit this province. With my 10-year existence, to waste my summer here is new.

Mabilis ang panahon. Lahat ng kamag-anak ko dito ay tinuturing akong prinsesa. A very fragile princess. Although all of them have been in Manila, they still treat me like a strange Manila girl. They don't let me eat fish dishes kaya nagagalit si Mama. Masyado na daw akong bina-baby.

Kasagsagan ng siesta ng mga matatanda sa bahay, napagdesisyunan kong lumabas ng bahay. It was our second week here. And playing with my cousins of my age is boring.

Naglakad-lakad lang ako at ang makakita ng tao sa mga dinaanan ko ay bihira. After tracing a way inside of the woods, sandali lamang at nakakita ako ng isang dalampasigan. I was held aback as I felt the raging excitement through me. Ang maalat na amoy ng hangin at marahas na paghaplos nito sa aking buhok ay isang pahiwatig na ito nga ay isang paraiso. Nagsisi agad ako dahil wala akong kasama to take pictures of me para lang maipakita sa mga kaibigan ko na I'm burning my skin too. Kahit na 'di naman ako pwede maligo dahil wala akong dalang pamalit.

Mabilis akong tumakbo palapit sa dagat. Ang hangin ay patuloy na sumasalubong sa 'kin na tila ay natutuwa rin sa aking pagdating.

The dress I'm wearing is dancing through air. Para bang kagaya ko, tuwang tuwa dahil sa dagat na naghihintay na dumampi sa balat ko.

Napatigil ako nang sinalubong ng mumunting alon ang paa ko. Hinubad ko ang basang tsinelas at initsa sa 'di kalayuan.

I sat there at the sand facing the endless sea while having my feet hugged by the waves.

Nagpalipas ako ng oras doon hanggang sa nawala nang tuluyan ang init. Gusto ko sana ipagkalat sa lahat ng mga kaibigan ko na I went to a beach! At oo, nagbilad ako sa araw. I want them to see tan ines from my cream-like skin! Hindi yung sa pasukan, ako lang halos ang namumukadkad sa puti at karamihan sa kanila ay tustang-tusta na tatak ng isang magandang tag-init.

Four Summers LateWhere stories live. Discover now