Chapter 11

2 0 0
                                    

Kev's P.O.V:

Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Little Alien at ng di ko na sya makita ay tiningnan ko naman ang binigay nyang biscuit sakin napangiti naman ako kasi cream-o un parang grade 1 kung mag baon ang babaeng yun

Nagulat nga din ako eh nung bigla syang nagsalita at tila pinapalakas nya ang loob ko di lang talaga ako nag pahata.Pero napapaisip ako na...Kaya ko pa ba talaga? Pero di ko naman kayang maibalik yung dati...Ang buhay nya...

"Dre!"sigaw nina Gab at Rance sa likod ko kaya umayos agad ako sa pag kakaupo at nilingon sila

"Tama nga ba ako eh! Nandito ka lang talaga"sabi naman ni Gab

"Ayos ka lang ba?"tanong naman ni Rance

Tumango lang naman ako sa kanya

"Dre alam naming hindi ka okay.Di na natin kayang ibalik ang nakaraan dre pati ang Buhay nya"sabi ni Rance

"Alam ko naman yun eh.Pero hanggang ngayon sinisisi ko pa din ang sarili ko dahil wala akong nagawa para maligtas man lang sya" at dahan dahan ng tumutulo ang luha ko pero pinunasan ko agad ito.Ayaw kong matawag na iyaking bully noh

"Dre wag mong sisihin ang sarili mo ginawa mo naman lahat eh pero baka oras nya na talaga yun at sigurado akong napatawad ka na nya at di nya gustong makitang ganyan ka"

Tumango tango lang ako at inayos ang damit ko at tumayo na

"Tama! Ayaw ni Denise na malungkot ako dapat maging maayos ako kahit wala na sya"

"Ganyan nga at umayos ka na lunch na kumain na tayo"sabi ni Rance at nginitian ko sya

"Pwede rin naman dre na kumuha ka ng chicks dun oh nakatingin sayo dre meron din akong mga number ng chikababes dun dre gusto mong magpa-set ng appointment dre?"makahulugang sabi ni Gab babaero talaga, International Playboy kung tawagin namin pag nag aasaran kami

"Ikaw Gab babaero ka talaga kelan ka kaya magseseryoso noh?Sigurado akong magugulat ako pag sinabi mo balang araw na magseseryoso ka na talaga"napatawa naman kami ni Rance,napa-apir pa

"Dali na nga!Gutom na'ko"Sabi ni Rance"at nanguna ng lumakad naka sunod naman kami ni Gab sa likod at napatawa tawa at iling nalang

Canteen...

Ng maka pasok na kami sa canteen,Pumunta agad kami sa aming mga special na upuan,Special ito dahil kami lang ang pwedeng umupo sa mga upuang toh at pag may nagtangkang umupo dito ay malalagot sakin kaya ni isa walang nagtatangkang umupo sa upuan ko dahil IT'S MY PROPERTY and I DON'T share it with anybody else.

Sina Gab at Rance na ang nag volunteer na kukuha ng order namin at ng mag palinga-linga ako nakita ko si Rose nanaka talikod sakin kumakain at nagbabasa ng lapitan sya ng tatlong babaeng makakapal ang make up,sa totoo lang mas maganda pa nga si rose keysa sakanila eh,Si Rose natural beauty lang at kahit wala naman syang make up ay maganda parin naman sya.

Ayy teka,Ba't ko nga ba sinasabing maganda sya? Napansin ko pa yun?

Aishh!...

Ng tingnan ko sya uli ay binuhusan sya ni Maggie ng juice Kaya napatayo ako sila naman ay tawa ng tawa kaya agad akong lumapit sakanya at inalo-alo ang likod nya dahil umiiyak na sya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Walls Between UsWhere stories live. Discover now