Chapter 1.1

3.8K 18 0
                                    

"Denise! Kakain na."

"Sandali lang po!" Isinave ko na ang kino-code ko sa aking laptop at tinakpan ito. Naginat-inat ako ng sandali at pagkatapos ay bumaba na para kumain.

Nakita ko si mamang nasa hapag na. Iisang anak lang kasi ako dahil sa China ako pinanganak. Ang tatay ko ay isang Chinese at ang nanay ko naman ay purong filipina. Wala si papa ngayon dahil nasa Cebu siya at may inaasikaso.

Matapos naming kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan. Inilagay ko ito sa lababo namin at hinugasan na ito.

This day is so tiring. May hinahabol kasi kaming deadline ngayon ng mga kasama kung kaya naman kanina pa ako nakababad sa laptop. Mabuti nga ay pinauwi kami ng genral manager namin kung hindi ay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ngayon sa buhay ko. Agad din naman akong pumanhik sa kwarto ko ng matapos ko ang mga hugasin.

Pagbukas ko ng laptop ko ay nakita ko ang group chat naming maingay.

Leonard: Denise pa-pm naman sa akin yung mga ping ng limang cellphone.

Aries: Denise pacheck naman kung stable ang connection sa PTK mobile.

HIndi ko na iisa-isahin pa ang mga request sa akin. Sabi ko nga sa inyo diba, sobrang nakakapagod maging IT. Minsan nga ay kakailanganin mo ng sa office na matulog dahil sobrang hectic talaga. Ako si Denise Zhou, 21 years old. Kasalukuyan akong kumukuha ng kursong Computer Science sa isang prestihiyosong school. Graduating na din naman ako kaya napagpasyahan kong magtrabaho na lalo na ngayong in-demand ang ComSci.

Bago ko ibigay ang gusto nila ay kinuha ko muna ang twalya ko at pumasok ng banyo. Maliligo muna ako.

Binuksan ko ang shower at dinama ang lamig ng tubig na dumadampi sa balat ko. Ang init ng pakiramdam ko. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko ang bathrobe at lumabas ng bathroom. Bakit ganun? Nag-iinit pa rin ang katawan ko. Naka-19 naman ang aircon at hindi naman ngayon summer.

Napatalon ako sa gulat nang magring ang cellphone ko. Kinuha ko ito at unknown number. Sinagot iyon.

"Denise, tumingin ka sa labas." Sasagot pa sana ako ng pinatay niya ito. Ibinagsak ko lang ang cellphone ko sa aking kama at dumiretso sa balcony.

Doon nakita koang isang lalaking walang saplot sa katawan. Ang mukha at katawan nito ay maihahalintulad sa isang greek god. Pero hindi iyon ang kaso dito, WHY IS HE NAKED?

Once Upon A Demon's Spellحيث تعيش القصص. اكتشف الآن