Chapter 4

106 4 3
                                    

Pretending To Be His Wife
- Wedding Dress -
****

[Selestine]


Pagkagising na pagkagising ko ay sumalubong sa akin si Nanny Aurora na may dalang tray.


"Good Morning , ijah" ngumiti naman ako at niyakap siya.


"Good morning din" close kami sa isa't isa simula pa ng bata pa ako kaya naman komportable ako kapag magkasama kami.


"Kumain kana , ipinaghanda nga pala kita ng makakain" nakangiti niyang sabi at nilagay sa tabi ko 'yung tray na may lamang pagkain at tubig.


"Salamat pala , Nanny" nakangiti kong sabi at agad na kinain 'yung dala niyang pagkain.


"Napapansin ko nitong nakaraang mga araw ay para kang malungkot , may bumabagabag ba sa'yo , ijah ?" nag-aalalang sabi niya. Napaubo naman ako sa sinabi niya kaya naman inabutan niya ako ng tubig at agad ko itong ininom.


Opo , 'yung nangyari kahapon.


Ang sakit sa puso , Nanny.


Kung pwede ko lang sabihin 'yun ay ikaw 'yung una kong pauunlakan.


"Wala naman po , bakit po ?"


"Hindi ko na kasi nakikita 'yung maaliwalas mong ngiti at pagiging masiyahin mo , okay ka lang ba talaga.Lalo na kahapon sobrang lungkot mo at napapansin ko 'yun"


Napatingin naman ako sa kanya at napatitig.


Napaka-observant talaga ni Nanny Aurora.


Sana huwag siyang maghinala patungkol doon.


Ngumiti naman ako sa kanya.


"Hahaha sobra ka naman nag-aalala , Nanny. Wala kaya" niyakap ko naman siya at nakaramdam ako ng pagkasala sa kanya.


Hindi ko gustong magsinungaling.


Nanny Aurora thought me that saying lies is bad.


But i have no choice , kung 'yun lang ang paraan para makasama siya.


Gusto kong maging masaya kahit isang beses lang sa buhay ko kasama siya.


Pero gustong gusto kong umiyak ngayon sa harap ni Nanny Aurora at sabihin 'yung totoo kong nararamdaman.


Pero pinipigilan ko kasi ayoko siyang mag-alala. Matanda na kasi siya , bawal na siyang ma-stress.


Tinanggal ko naman 'yung yakap at ginawaran siya ng ngiti.


"Sigurado ka ah. Oh siya , dahil nakasigurado na ako pwede na kaong makahinga ng maluwag at umalis" masaya naman na umalis si Nanny sa kwarto ko kaya pagkalabas na pagkalabas niya ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.


Sorry , Nanny Aurora. I lied.


*ring* *ring*


Tinignan ko naman kung sino 'yun at unregistered 'yung number.


Nagdadalawa pa akong isip na sagutin pero sa huli ay sinagot ko ito.


"Bakit ang tagal mong sumagot , huh" bigla naman akong kinabahan ng marinig 'yung pamilyar na boses na 'yun.


"Harvey , paano mo nalaman 'yung number ko" nagtataka kong sabi.


Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kasiyahan.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pretending To Be His Wife Where stories live. Discover now