Chapter 2

66 8 0
                                    

Pretending To Be His Wife
- Meeting his Parents -
****


[Selestine]


*beep* *beep* *beeeeepp*


Nagising naman ako sa ingay na 'yun at inis na tinakpan ng unan 'yung tenga ko.


Hating gabi na nagiingay ka.


Narinig ko naman na nagbusina 'yun kaya naman inis akong umupo.


"Anong problema 'nun , huh ?" inis naman na kinamot ko 'yung ulo ko at tumingin sa veranda.


"Haaaaaaaa" pumikit pa ako at ininat yung katawan.


Nang pagbukas ko nang mata ko ay nagulat ako ng makita 'yung pamilyar na mukhang 'yon.


"Anong ginagawa ni Harvey dito ?" napagawi naman ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakasandal siya sa kotse niya.


Umalis naman ako sa veranda at nagpalit ng damit.


Naglagay ako ng light make-up at bumababa na.


Nang pagkalabas ko sa bahay ay kita kong nakatuon ang mata niya sa kanyang cellphone.


Bigla naman kumirot 'yung dibdib ko ng makita siyang tumatawa.


"Sana ako nalang dahilan ng bawat ngiti at tawa mo , mahal ko" mahina kong sabi.


Bigla naman aiyang napatingin sa akin kaya naman tinago niya 'yung cellphone niya at pumasok na sa kotse.


Mapait naman akong napangiti.


Hahaha , Selestine. 


Umaasa kapang pagbubuksan ka niya ng pinto. Tama na pagiilusyon , wala siyang pake sa'yo.


Pero mayroon sa isang side ko na nagsasabi na posible ang lahat.


Kaso reality 'to eh. Ipapamukha niya sa'yo na wala siyang pake at hindi ka niya mamahalin.


Yung sasampalin ka ng katotohanan.


Alam mo ba ano 'yung mas pinakamasakit sa lahat ? One-sided Love. Ang sakit 'no ?


Hindi ka niya kayang mahalin pabalik 'yung ikaw lang nakakaramdam ng spark.


Binuksan ko naman 'yung pinto at pumasok.


Nag-seatbelt naman ako at nagsimula na siyang mag-drive.


Habang nasa biyahe ay napapatingin ako sa kanya.


Lalo na sa kanyang labi.


Ano kayang pakiramdam kapag nahalikan kita ?


Siguro ako na 'yung pinakamasayang tao sa buong mundo kapag nangyari 'yun.


Ang sarap niyang halikan dahil sa sobrang pula ng labi niya.


Napansin naman niya akong nakatingin sa kanya , kaya naman umiwas ako ng tingin at tumingin sa bintana.


Lihim naman akong napangiti.


Naramdaman ko naman na hindi na gumagalaw 'yung kotse kaya naman nagising ako.


Kita kong nakatitig siya sa akin.


"Hindi ka pa ba lalabas ? Kanina ka pa natutulog" bigla naman akong nahiya sa sinabi niya kaya naman nagmamadali akong lumabas doon.


Pretending To Be His Wife Where stories live. Discover now