"Auntie Via, busy po kayo?" tanong ng pamangkin kong si Kristale.
"Hindi naman Kist, bakit?" nagtataka kong tanong pabalik.
"Papasama po sana ako sa mall may bibilhin lang na school supplies, hihihi please Auntie!" Paglambing pa niya.
Haynako, tita na tita na talaga ako. Ewan ko masaya naman ako na palagi kong kasama yung mga pamangkin ko or kung sinong bata. Masyado lang ata talaga akong malapitin sa mga bata, madali lang kasi akong mauto.
Anyways, nandito na kami sa mall at pumunta agad sa bookstore. Hinayaan ko si Kist na mag-ikot-ikot alam kong matatagalan kami kaya naglibot na rin ako sa iba't-ibang section ng bookstore.
Napunta ako sa bandang fiction books, grabe ilang taon na ba akong hindi nakapag-basa ng libro? Sobrang busy ko talaga sa buhay.
Habang naghahanap ako ng bibilhin na libro, hindi ko maiwasang pansinin ang naka-upong bata na umiiyak.
"Hey, bakit ka umiiyak? Nawawala ka ba baby?" Nag-aalalang tanong ko.
I tried to wipe her tears away at saka kinarga siya.
"wahhh where is my dada?" pag-iyak niya parin. Hinahanap ata niya yung daddy niya. Kawawa naman tong baby girl.
"Let's find your dad around, you want that?" tanong ko sa kanya ng palambing.
Tinanguan niya ako at naglakad na kami papunta sa desk ng bookstore at nag-pa-paging. Iniwan ko na rin ang number ko roon in case may lumapit at maghanap, para madali akong macontact. Naglibot-libot kami at tinulungan siyang hanapin ang dada niya.
Naka-ilang ikot kami at hindi talaga namin makita dada niya. Umupo kami sa kids section at inaliw muna ang bata.
"What's your name pala?" tanong ko sa kanya.
Ningitian niya muna ako.
"I'm Janie Mylene." sagot niya sa akin.
"Nice name Janie" sabi ko sa kanya at inayos ko ang nagulong buhok niya.
30 minutes pa naman ang nakalipas, mag-iintay lang muna ako saglit. Hindi pa naman tapos si Kist sa pamimili.
Habang busy akong nagbabasa ng libro sa bata, tumunog ang cellphone ko.
"Hello?" bungad ko sa phone.
"Is this Ms. Anne?" tanong ng caller.
"Yes, speaking." I said.
"Are you with Janie? Can we meet I am actually here in the information desk waiting." sabi niya. Medyo pamilyar ang boses niya ah.
"OMGee ok Sir, we'll be there." at tinapos ko ang call.
"Nakita ko na ang dada mo Janie! Let's go there na." sabi ko sa bata at hinug siya.
"Really Tita Via? Yay thank you!" kiniss ako ni Janie sa pisngi. Ang cute niya talaga.
Habang papalapit kami sa information desk ay hindi ko maiwasan makita ang pamilyar na figure ng taong nakatayo roon.
A few steps away, bumitaw si Janie sa kamay ko at tumakbo, papunta sa dada niya.
I froze upon seeing the man in front of my eyes. It was him.
"Dada meet Tita Via, Tita Via this is my Dada Max." pagpapakilala ni Janie sa aming dalawa.
Oh no baby girl, I knew him. I know your dad. Ngumiti nalang ako at nagpakilala.
"Hi Mr. Max. Nice meeting you." I offered my hand.
Tinignan niya ako, tila hindi man lang siya nagulat na nagkita kami ngayon. It's been what? 4 years of no contact with each other. I guess sa loob ng 4 years andaming nangyari, kagaya nalang nalaman kong may anak na siya.
After a minute, tinanggap naman niya ang kamay ko.
"Thanks for accompanying Janie." he simply said.
"No worries. All for Janie." I said while smiling sweetly to Janie.
I pat the head of Janie and bid them goodbye.
Sa tanan buhay ko hindi ko ito pinaghandaan. Hindi ko alam kung anong tamang feeling ang madarama ko.
Naguguluhan, nalilito, nasasayahan, argh basta ang gulo ng isip ko ngayon.
Parang nawawala na naman ako sa katinuan. Grabe eto pala feeling makaharap ang nag-iisang ex noh.
Ok naman sana lahat eh, akala ko all good na ako. Pero nung nakita ko siya, shet lang muntik nang matibag ang ginawa kong pader.
Kasi pumasok sa isipan ko iyong huling sinabi niya sa akin.
"Babalik ako Via, hintayin mo ako. Babalik ako at pangakong hindi na tayo maghihiwalay ulit."
-----------
Hihihi
YOU ARE READING
Chasing Hopes
Teen FictionWill I stumble and fall? Will I wait until forever? Will I constantly chase or get tired? His choice or my choice?
