Prologue

21 4 0
                                    

Hi everyone!!! -Future bida

"Hoy sino ba kausap mo dyan ha?." -?

Shh. Ay ehhh. Wala hihi! -Future Bida

Hi viewers. Sana magustuhan niyo ang kwento ko. :) maiikli lang yung unang part. Omg. Please bear with me. Char. I mean bear with the creator.  Pero humahaba naman siya sa bandang gita yata I think. Oo humaba naman nga wahaha

Ang trashy ng prologue na to hahaha! Sorry!

Back to the prologue keme...

"Omg. Shet late na kooooo."

Orientation day namin dito sa new school ko. College lang siya not univ. So di gaano malaki. Sakto lang ganern. Shonget. Dejoke. So ayun na nga. Magsisimula na ang unang kalbaryo ng taon. Anu pa nga ba mga beshy. Edi FRESHMEN YEAR. OMG. 1ST YEAAAAR NA AKO. Gaaahd.

This first day of school. May ganap sa gym namin. Syempre leaded by our OSA syempre discuss ng rules and regulations. Mga attires na dapat isa utak para di mabigyan ng warning ng OSA. Mga proper dress codes kapag wash day. Mga do's and donts. Blah blah blah. Wala ko sa mood. Ugh may handbook naman kasi. Then ayon. May nag perform kumanta si ate girl. Ganda niya shocks. Okay eme. Malamang tourism eh. Hahaha di nga lang maganda boses. Pero pwede na. She's apart of welcome comittee yata.

So ayon grabe so boring. Upo upo lang. Katabi ko yung ibang mga kaklase ko. Syempre walang imik imik diba. Nahihiya talaga ako. Well arranged naman ang mga upuan. Nakaka classify kung anong mga course namen. May mga SA na nagguguide samin. So after namin mabagot sa gym ng pagka aga aga. Late na nga ako. Late din pala nagstart ayun. Umakyat na kami papuntang classroom.

Pagpasok ng classroom. Umupo lang ako sa sulok. Dun katabi ang dingding. Medyo bandang likod pa nga. Nakatabi ko yung unang unang kaklaseng kinausap ko. Si Angela. Tahimik lang siya. At mukhang matino. Kaya yun napalagay loob ko sa kanya. Una ko ding nakilala yung nasa likod na row namin. Sina Vincent at Keith magpinsan pala sila tapos si Daniela kaklase ata nila dati nung HS. Kaya magkakasama sila. Tahimik lang sila sa likod. Sa unang tingin mga suplado at suplada pero mababait naman sila nung kinausap ko.

Makalipas ang ilang araw. Mas naging close ko sila Keith at Vincent. Mabait yang dalawang magpinsan na yan. Pero mas una kong naging close si Keith. Sobrang bait kasi niya eh. Talagang napalagay ang loob ko. Mga ilang araw ang lumipas. Nagkaroon ng group work sa klase. Sa aming Filipino subject doon nakilala ko ang bagong elected naming presidente ang pambansang megaphone ang boses walang iba kundi si Rae. Naging kagrupo namin siya ni Keith pati si Angge sa isang group work sa amin ay yung praising songs. Iba iba kasi ang topic na ibinigay ang mga maaring kakantahin ay ang iba't ibang uring kanta yung pangkasal, praying songs, about sa barkada ganon at madami pa eh. Samantalang sina Vincent ay nasa pangkasal sila nina Kath, MJ at Hayley. Si Bella naman ay sa pangmagbabarkada. Nauna kasing maging ka close ni Bella si Angge kaya nagkakasama kami nung nag practice. Kaya nagtagpo tagpo talaga kami ng landas.

So yun nga makalipas ang mga araw ay naging magkakatropa na kami. Ayus diba? Masaya ako kasi nakilala ko sila. Iba't ibang mga kalokohan ang lumipas na kasama ko sila. Nag gagala kami sa SM tambayan ang toms world. Suking suki sa paglalaro ng color game na gustong gusto ni Angge, grab machine na kinahuhumalingan ni Hayley, indiana jones na hinihila na trip na trip ni MJ at yung tinatatap ng madiin para makahuli ng kabayo na paborito naman ni Vincent para makakuha ng token at ang basketball machine na laging nilalaruan ni Keith at ang Karaoke booth na suking suki si Bella. Siguro ganito talaga pag first year. Freedom, ang saya pala kasi di pa naman nag eexams tsaka wala pa namang klase eh. Kaya chill chill palang.

Iba iba man ang trip naming magttropa. Nagkakasundo pa din kami sa iisang bagay. Ang pag fofoodtrip. Pero kalimitan naman naming kainan ay KFC hahaha! Wala ng bago dun. Naggroupstudy din kami. Na nauuwi sa kainan HAHAHAHAHA joke. Pero yun nga. Malaki pasasalamat ko sa guro namin sa Filipino kasi kundi dahil don baka di kami nagkakila kilala. So yun na nga. Dun nagsimula ang Power Squad namin!

Abangan niyo pa ang susunod na kabanata at ganap na mangyayari. Di lang naman to about sa love. It's all about family, friendship and all those struggles in life ayan. Dito masusukat kung gano kami katibay ng squad. Abangan!!!












Note: (Pasensya na sa prologue) lols! Ampanget WHAHAHA BEAR WITH ME.

(LOA) *Ongoing*Where stories live. Discover now