Chapter 25

423 9 0
                                    

Kidnap!

Aviana's POV

"Good shot! Okay, you can take a break, Dominique."

Ngumiti ako sa photographer at naglakad papunta kay Jeremiah na may nakahandang robe. He wore it over my shoulder and kissed me. "Good job, hon. Ang sexy mo talaga." Bulong niya. Kinindatan ko siya. "Syempre naman."

Nasa studio kami ngayon para sa pictorial ng mga bagong line ng lingeries na ilalabas nila sa merkado. Bilang number one endorser, syempre kinailangan na nandito ako. Ang supportive lang talaga ni Jeremiah. Nagtatrabaho lang naman ako sa company nila every weekends kasi sabi niya ayaw niyang mapabayaan ko ang studies ko. He really cares for me too much...nakakatakot na.

Just kidding, of course.

"Hon, naiset ko na yung date ng kasal natin. Gusto ko sana sa Canada na tayo magpakasal then dun na tayo tumira.. Pwede rin naman sa HongKong kung gusto mo."

Humihigop ako ng kape habang nakikinig sa kanya.

"The wedding planner called me earlier and we discussed about the theme. May listahan na rin ako ng guests, ginawa ko na kagabi. Yung mga ninong at ninang, kinausap ko na at nakaprint na rin yung invations. Tomorrow na yung pre-nup natin kasi bukas lang available yung international photographer na kakilala ko. Then idedeliver na next Wednesday ang wedding gown na pinagawa natin.."

Nahilo na ako kay Jeremiah. Wala na akong nasundan sa mga sinabi niya, sa totoo lang! Ngumiti ako sa kanya. "In short, you handled everything?" Nagkibit-balikat siya at niyakap ako mula sa likuran.

"Yeah. Ayoko kasing maistress ka pa. Ako nang bahala sa lahat-lahat."

Kung kagaya ako ng ibang babae, baka natuwa ako. Kaso, WTF? SINARILI TALAGA NG MOKONG NA 'TO ANG LAHAT! Pilit kong itinago ang iritasyon ko. Dammit. Parang keri na niyang i-solo ang kasal ah. Wala man lang ba akong karapatan? I mean, syempre gusto kong tumulong kasi nga kasal NAMIN, pero maski yata kung ilang langaw ang lilipad sa araw na yun, naorganize na niya. Hindi man lang hiningi ang opinyon ko. Shete.

You're being immature, Dominique.

I sighed. Baka nga.

"Aren't you happy, honey?"

Napalingon ako sa kanya at agad akong nagkaroon ng isang mental debate. Masaya nga ba ako? Alam ko namang mahal ko siya...sabi niya eh. Magmula kasi nung mawala sa'kin yung memories ko, siya na yung gumagabay sa'kin. Parang naiayos na niya ang lahat-lahat bago pa man ako nakapagtanong. It was as if he anticipated my condition. Napailing ako. Hindi ako dapat nag-iisip ng ganito. Pero it's been two months.. Bakit wala pa rin akong maalala sa nakaraan ko?

Ang alam ko lang ay yung mga pinapaalam sa'kin ni Jeremiah like my name, where I study, who's my bestfriend, etc. Pero nung tinanong oo yung about sa family ko, he said I didn't have one. Naulila raw ako noong bata pa lang kami kaya sa kanila na ako tumutuloy.

Pero bakit parang may mali?

"Honey?"

Ngumiti ako kay Jeremiah. "What are you talking about? Oo naman, masaya ako. I'm so happy being with you."

Pero bakit parang hindi ko ramdam? Hayst. Maygosh, Dominique. Tama na nga.

Nagulat ako nang mag-ring bigla ang phone ko. Unregistered number. Kumunot ang noo ni Jeremiah.

"Don't answer it."

"Loko. Baka si Nia 'to. Sabi kasi niya nagbago na siya ng number.. Baka magtatanong ulit ng assignment."

Tumango si Jeremiah. I excused myself. Nang nasa may labas ako, agad kong sinagot yung tawag.

"Hello, Nia?"

✔ We Broke Up! [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon