Chapter 11

415 11 0
                                    

May Sakit si Via

Diosdado's POV

Mabilis akong nagpara ng taxi at nagpahatid sa bahay nila Via. Habang nasa taxi, hindi ko maiwasang mapatingin kay Via. Pinagpapawisan siya at namumutla. Napabuntong-hininga na lang ako. Mabuti hinimatay lang siya.. Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mukha niya.

"Hindi mo na naman ba inaalagaan ang sarili mo?"

Pero alam ko namang hindi niya ako sasagutin.

"Boss, nandito na tayo."

Humugot ako ng isang libo sa bulsa ko at binigay sa driver. "Keep the change." At saka ko mabilis na inilabas si Via. Kinuha ko yung spare key sa loob ng sapatos ng kuya niya at pumasok sa loob. Nang maihiga ko na siya sa sofa, naupo ako sa tabi niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya hihintayin ko na lang siya magising.

Riiinnnggg.... RIIINNNGGG---

"Moshi moshi?"

"WALA TAYO SA JAPAN! Moshi-moshihin ko mukha mo eh.." nailayo ko agad yung phone ko dahil sa lakas ng boses ni Cob. Pinigilan ko ang matawa.

"Bakit nga?"

"Ok na ba si Aviana?"

Napasimangot ako sa tanong ni Cob. Pakiramdam ko, nahulaan niya yung naiisip ko kaya bigla niya akong minura.

"Tangina, pre. Wala akong gusto sa kanya! Chill ka lang!! May Cassie na ako 'no! Psh. Anyway, you should take care of her. Baka mamaya kasi tumunganga ka lang diyan at hintayin siyang gumising."

Napakamot ako sa ulo. "Um....oo?"

Inis na sumagot si Ivan. "Bahala ka na nga!"

Toot..toot..toot..

Ngek! Ang labo naman niya.. Hays. Napatingin ako kay Via nang bigla siyang gumalaw. Nakakunot yung noo niya tapos medyo basa na yung uniform niya ng pawis. Hindi ko alam kung anong meron, pero pakiramdam ko may kung anong kumawala sa loob ko at agad-agad akong nagtungo ng kusina. Kumuha ako ng planggana at nilagyan ng maligamgam na tubig, tapos hinalungkat ko yung extrang towel sa bag ko.

At dahil hindi mo na naman inaalagaan ang sarili mo...

"Doom...."

Napatingin ako kay Via habang pinupunasan ko ang mga braso niya. Nananaginip yata at mukhang nahihirapan. I'm in her dreams? Naks. Nang mapunasan ko na siya, patay malisya kong hinubad ang blouse niya at pinalitan siya ng damit.

Kung nasa mood nga lang sana ako, malamang puro kamanyakan ang pumasok sa utak ko.. Well, kamanyakan at kalaitan.. Pero ewan ko. Mas nananaig yung pag-aalala ko sa babaeng ito. Ayoko siyang ganito..

Nagluto ako ng sopas (buti na lang kumpleto yung mga sangkap sa ref nilang malaki hehe) at tinitigan siya habang mahimbing siyang natutulog. Nailipat ko na rin siya sa kwarto niya para mas maayos siyang makapagpahinga.

"D-Doom.."

Napangiti ako nang binanggit na naman niya yung pangalan ko. Just then, I hesitantly wrapped my arms around her and kissed her forehead. Napangiti ako..

..hayaan mong alagaan kita, Via. Promise, hindi na ako magiging pabigat sa'yo.

*

Aviana's POV

Nagising ako nang may nakayakap sa akin. Nang silipin ko kung sino, napabalikwas ako ng bangon.

"DOOM?!"

Nagulat din siya sa ginawa ko at naalimpungatan pa ang loko! Kinusot-kusot niya ang mga mata niya at ngumiti ng matamis. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Napasigaw ako sa inis. ANONG GINAGAWA NIYA SA KWARTO KO?!

Agad kong tiningnan ang suot ko tapos nalaglag yung panga ko nang marealize kong iba na pala ang damit ko!! "AAAAAAAHHHHH!! BASTOS! ANONG GINAWA MO SA'KIN, HA?! NAKAKAINIS KA! AAAH!"

Pinaghahampas ko ang braso ni Doom. Kunot-noo naman niya akong tiningnan. "Ha? Wala naman akong ginawa sa'yo ah! I mean, wala naman akong ginawang masama sayo.. Inalagaa----"

"UMALIS KA NA! NAKAKABWISET KA! WAG KA NA NGANG MAGPAPAKITA SA'KIN!! SHIT, HINDI TULOY AKO NAKA-ATTEND NG MGA KLASE KO!! BWISET!!"

Natataranta na ako. Ang huli ko lang naalala kanina,  naglalakad-lakad ako sa may garden tapos bigla akong nahilo. Bibili na sana ako ng gamot, kaso hinimatay na ako..

Napadako ang mga mata ko sa ex-boyfriend ko. Nakasimangot na siya at mukhang nawala na rin sa mood.

Sinamaan ko siya ng tingin. Sana dinala na lang niya ako sa school clinic, diba?! At talagang sa bahay pa namin?! Paano kung makita kami nila mama?!

"Diosdado, umalis ka na." seryoso kong sabi.

Tumayo siya at tinitigan ako. Hindi ko na mabasa yung emosyon sa mga mata niya. Kanina lang, para siyang nagtataka, tapos nag-aalala pero ngayon..

"May sopas sa baba. Kainin mo habang mainit pa. Nilagay ko yung gamot mo sa mesa, inumin mo pagkatapos mong kumain. Tinext ko na si Nia, idadaan niya mamaya dito yung namiss mong notes at assignments."

At pagkatapos nun, walang imik na siyang lumabas ng kwarto ko. Naiwan akong nakatulala sa kung saan siya nakatayo kanina. Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumigat yung pakiramdam ko. Malamang, Avi.. May lagnat ka nga diba? Nahiga na lang ulit ako sa kama at tinitigan ang kisame. Pero kahit anong gawin ko, mukha pa rin ni Doom ang nakikita ko.

Hindi pa ba sapat na siya na nga ang napanaginipan ko?

Pero ang nakakainis lang.. Sa panaginip ko, iniwan niya daw ako.

*
Ilang sandali pa, pagkainom ko ng gamot, dumating si Nia. Dala niya yung bag ko at nag-aalala niyang hinipo ang noo ko.

"Anyare? Okay ka na?"

Inilapag niya ang bag ko sa sofa. "Sa pagmamadali daw ni Doom kanina, naiwan yung bag mo. Bigla ka na lang daw niya binuhat eh. Nakausap mo ba?"

Hindi ako sumagot sa tanong ni Nia. Feeling ko wala na rin akong gana. Umupo siya sa tabi ko at seryosong nakatitig sa akin.

"Kwento ng mga nakakita, nataranta daw yang ex mo nang mahimatay ka. Hindi na nga raw nagpapigil sa barkada niya eh tapos sinakay ka na ng taxi. Nakipag-away pa nga raw sa security guard para maiuwi ka dito eh. Ayaw kasi siyang palabasin ng gate."

Hindi pa rin ako kumikibo kay Nina, although naabsorb ng utak ko ang lahat ng mga sinabi niya. Ginawa yun ni Doom? At ngayong naiisip ko, parang out of character yata siya.. Noong kami pa, bilang ko lang yung mga pagkakataong nag-alala siya sakin. Hangga't maari rin hindi siya nakikialam noon sa buhay ko. Hindi siya ganyan dati.. Anong nakapagpabago sa kanya ngayon?

Umiling ako.. Shit, oo nga pala. Pagkagising ko, inaway ko nga rin pala siya.

Nia sighed. "Inaway mo 'no? Ayan kase."

***

✔ We Broke Up! [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon