Chapter 07

595 13 2
                                    

PLAN #2

"Kapag hindi gumana yung plano ni Tikoy---na feeling ko naman talaga hindi gagana kasi panget yung nagsuggest. Eto ang gawin mo.. Isipin mo, pusa yang si Jeremiah! Oh, ano? Naimagine mo na? Sige, tapos kunwari, galunggong si Aviana. Gusto mong itaboy yung pusa para di niya maagaw yung galunggong mo, diba? EDI TAKUTIN MO!" -PakPak

***

Diosdado's POV

Naalala ko na naman yung payo nung si pareng PakPak. Seryoso kaya siya? Tatakutin ko yung pusa para sa galunggong?? Teka! BAKIT BA PURO HAYOP ANG LAMAN NG UTAK NG GAGONG YUN? Hays. Oo nga pala. Kung ang girlfriend nga, BUTIKI, malamang ang utak niya TUYO. Literal na TUYO.

Hmmm...

"Pak?"

"Ganern--Este, ano yun pare koy?"

Napahalukipkip ako ng macho kong mga braso. "Di mo naman sinabi kung anong luto nung galunggong eh!!"

Napa-face palm na lang si Emo na nag-eemo sa tabi ko. Nasa may rooftop kami ngayon at nagpapahangin kahit na tirik ang araw at..um.. Wala naman talagang hangin. Feel lang namin. Hehe. Ang cool diba? Kasing cool ko.

Napakamot ng ulo si PakPak. "Oo nga 'no! Ang shunga ko talaga, pre."

Umiling ako at tinapik ang balikat niya. "Hindi ka shunga, pre. Bopols lang. Ayos lang yan, baka may gamot niyan sa TGP."

Nagkatinginan bigla kaming tatlo at sabay-sabay na..

"Wag mahihiyang magtanong~! Kung may Ritemed ba nito~? Oh yeah!May Ritemed ba nito~? ONE MORE TIME! May Ritemed ba nito~? May Ritemed-----ARAY!"

Binatukan ko nga yung dalawa! Nakakgago eh. Hahahaha! Ay, teka. Kumanta rin pala ako. Edi babatukan ko ang sarili ko? Er.. Nevermind.

"Mga tol! Diyan kayo magaling eh. Puro commercials lang ang pinapanood niyo sa TV eh! Napaghahalataan!" inis kong sabi sa kanila sabay bukas ng Facebook.

WOW! Ang dami kong friend requests!! Tatlo!! Ang famous ko talaga hehe.

"Psh! Sana nga may Ritemed pa sa pagiging BROKEN HEART mo. Ano na? Hahayaan mo na lang bang maagaw nung pusa yung galunggongers mo? WEAK!"

Napabuntong hininga ako. Tama si Emo. Kailangan ko na ngang umaksyon!! Dalawang linggo na magmula nung "NAKIPAG-BREAK" sa akin si Via. Hindi ko na patatagalin pa 'to! Inihagis ko yung cellphone ko sa kung saan at tumayo para may dramatic effect.

"ITATABOY KO YUNG PUSA!!" sigaw ko.

Umirap si Emo. "Sakto, AMOY ASO KA NA! Maligo ka muna, tangina naman!"

*

Nandito kami sa Mall ngayon. Sa pagiging spy ko kay Via, napag-alaman kong pupunta sila ni Jere ngayong Sabado sa mall para manood ng sine. Kahit na napakasakit para sa side ko, kailangan kong i-endure lahat ng ito para sa babaeng pinakamamahal ko! Aja!

At syempre, kasama ko yung tropa! BWAHAHAHA! Pero wala sina PakPak at Cob. Busy daw sila. BUSY? Neknek nila! Alam ko namang nanonood sila ng liga ngayon eh. Psh.

"HAHAHAHA! Ang panget mo Dren! Ba't ka naka-tokong shorts?! Baduy! Baduy! Ah baduy! Bwahaha! Mukha kang nerd!"

Ngumiti si Dren sa akin.

"Okay lang. Ikaw nga may eyebags na pwede nang gawing bulsa ni Doraemon eh. Para kang na-tokhang. Hmm.. Tinititigan mo na naman kagabi yung pictures niyo ng EX mo 'no? Ahh kawawa!"

=___= Gago 'to ah!

"Mga pare, act casual! Nandiyan na yung targets!" alerto sa amin ni Tikoy. Nang lumingon ako, nakita ko nga sina Via at basura na---WTF?! YENG CONSTANTINO LANG? HAWAK-KAMAY MGA BES?!

Sumama bigla yung timpla ng mood ko habang pinapanood ko sila. Sa utak ko, ilang beses ko nang pinapatay si basura. Tapos ang ganda-ganda pa ng ngiti ni Via! Tangina lang.. Bakit nung kami pa, hindi siya ngumingiti ng ganyan? Naging masama ba akong boyfriend?

Natigilan ako. Gago ka, Diosdado. Inagaw siya ni Jeremiah sayo. Wala kang pagkukulang.. Napabuntong-hininga ako nang lagpasan nila ako. Nakakamanhid kasi ni hindi man lang ako dinapuan ng tingin ng GIRLFRIEND ko. Oo, AKIN pa rin siya. Magkamatayan na.

"Doom, okay ka lang?"

Tumango ako. LET'S DO THIS! Ay, mali pala.. Dapat pala, LET'S DOOM THIS!

Aviana's POV

"Avi, alam mo.. Namiss kong hawakan ang kamay mo. Namiss talaga kita ng sobra."

Nang sabihin ni Jere yun, binitawan ko na yung kamay niya. Kaya ko lang naman hinawakan kasi sabi niya nanlalamig daw yung kamay niya. Napabuntong-hininga ako. "Jere, may itatanong lang ako.."

"S-Sige."

Nag-aalangan na ako sa isang 'to eh. Nitong mga nakaraang araw kasi, lagi na siyang bumibisita sa bahay at binibigyan ng flowers kami ni mama. Si mama, tuwang tuwa sa kanya kasi daw mabait at gwapo.

Tinitigan ko si Jeremiah.

"JERE, NILILIGAWAN MO BA YUNG MAMA KO?"

At hindi ko alam kung bakit pero natuod siya sandali at pagkatapos at natawa ng pagkalakas-lakas! Hala? Sinapian?! Nakatitig pa rin ako sa kanya tapos nagulat na lang ako nang halikan niya yung pisngi ko. Hala?

"HAHAHA! Avi, wifi ka ba?"

"Bakit??"

He winked. "Ang SLOW mo kasi. Pero di bale, kaya ko namang maghintay eh. Tara na!"

At hinatak na niya ako dun sa papanoorin naming horror movie. Ngeks! "Oi! Bakit horror yung pinili mo?!? Alam mo namang matatakutin ako diba?!"

Natawa ulit si Jeremiah. Bwiset na 'to. Parang abno!

Magkatabi kami ni Jere. Tapos biglang namatay yung ilaw sa sinehan at nagsimula na yung movie. Pero wala pa kami halos dun sa nakakatakot na part, bigla na lang hinawakan ni Jere yung kamay ko.

"Avi~~ natatakot ako~"

Kumunot ang noo ko sa kanya lalo na noong kinapitan pa niya yung braso ko at ang lawak ng pagkakangisi niya.

Pero biglang natigil si Jere dahil may bumato sa kanya ng lata ng coke.

"OUCH! FVCK?! SINO YON?!"

Hinanap niya kung nasaan yung nagbato pero wala. Nagkibit na lang siya ng balikat. Pinagpatuloy namin ang panonood pero lagi namang nababato si Jere ng kung anu-ano!

Nabato na siya ng:

✔LATA NG COKE

✔KAHON NG KENDI

✔BATO

✔BALLPEN

✔SAPATOS NA NIKE (ay, sosyal!)

✔ARM CHAIR----

Ay, erase! ✘ Hindi pa pala siya nababato ng armchair. Hahahaha!

"ARAY! Teka?! SAPATOS ULIT?! SINO BANG NAMBABATO?!"

Tapos nang lumingon kami...

"AwwwOooOoOooooo~~!"

May tatlong lalaking nakataklob ng kurtina ang mga muka habang ang isa naman (na nakilala kong si Dren), nag-iihip ng pulbos para siguro effect? Tumaas ang kilay ko habang si Jere naman, nakakunot yung noo.

"AWWWOOOO! JEREMIAH! NAISULAT KO ANG PANGET MONG PANGALAN SA DEATH NOTE KOOO~~ AWWWOOOO~~ANG PANGET MO~~ AWOOO! MATAKOT KA~~ Tangina! Matakot ka naman! Nag-eeffort na nga yung gwapo diba?! --Ay.. Umm.. AWWWOOOO!!!"

I growled out of frustration.

"Doom, tigilan mo na nga yang kahihiyan na yan! Ano ba?! At dinamay mo pa talaga yung tropa mo! Tsk."

Pagkasabi ko nun, inalis niya yung kurtinang puti sa mukha niya at nag-pout. "Via----"

"LAYAS NA!!"

He sighed. Napailing na lang din yung mga kasama niya. Tapos sinamaan niya ng tingin si Jere at inagaw yung mga sapatos niya. Pagkatapos nun, umalis na sila, with matching escort pa ng security.

Para tuloy akong nawalan ng gana sa panonood.

***

✔ We Broke Up! [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon