Darkness no.13: Verity and Envy

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi!" Agad naman niyang sagot.

X~X~X

Nakatingin lang si Katrina sa akin. Habang ko naman ay nagpupunas ng aking bibig. Pinupunasan ko ang mga dugo na namuo dito kanina. 

"Bakit?" Tanging sabi ko. Nang bigla akong napatigil.

"Hindi lang ako makapaniwala." Sagot naman ni Katrina na nakatingin parin sa akin.

"Huh?" Pagtataka ko.

Umayos ito ng upo. Ngunit muling binaling niya ang tingin sa akin. Na kaka conscious.

"Ahmmm I mean eh hindi lang ako makapaniwala na may kaharap akong bampira ngayon." Sa pagpuputol niya. "Kaya pala nung una eh sabi mo eh ayaw mo sa liwanag. Saka hindi ka namatay sa pagkabundol mo!" Pag papatuloy nito.

"Ahhhh ganun na nga?" Sa maikli kong sabi. " Pero bakit hindi ka manlang natakot sa akin?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Ahhh yun ba? Alam mo nung una pa lang eh kung masama ka eh matagal mo na kong kinagat sa leeg at pinatay. Pero hindi mo ginawa. So for the conclution eh Mabait ka." Pagsasalaysay niya.

 Napatingin si katrina sa pusa na sa mga tagpong iyon ay nilagay ko na sa isang puting plastic.

"Kawawang pusa. Tsk tsk!" Wika nito habang nakatingin siya rito. Pagkatapos ay tumingin naman ito sa akin. Tingin na parang may sinasabi ito buhat sa kanyang mga mata. "Hayaan mo Saver. Tutulunagan kita." Wika niya bigla sabay ngiti nito.

"Katrina..." Sa mahina kong boses.

"Yes ano yun?" biglaan naman niyang sagot.

"Maraming salamat." Wika ko. Pero nakatungo.

"Walang anuman basta wag mokong kakagatin ahhh?" Pagbibiro nito.

Muli akong tumingin kay Katrina at sa puntong yon ay sabay kaming tumawa.

X~X~X

Pumasok na ako sa aking shift pag dating ng hapon. Masasabak nanaman ako nito sa mahabang labanan ng lakas. Pero at this point eh parang minamane ko nalang ang lahat. Mabilis ko kasing natutunan ang mga technique kung pano ang mabilis na kilos at kung sino ang dapat unahin sa pag seserve. Syempre with the help of katrina. 

Speaking of katrina eh. Binilihan niya ako ng dugo ng baboy. Halos dalawang kilo ang binilli niya nako naman oo! Tiba tiba ako nito. Halos two weeks ko na rin tong imback sa aking mini ref.

Kakaiba talaga itong si katrina. Biruin nyo hindi natakot sa akin. Eh nung time na magpakita ako sa kanya eh puro dugo ang bibig ko at hawak hawak ko pa buhat sa aking kamay ang patay na pusang yun. Siguro kung ibang tao yun eh nagtitili nayon at ngayon eh hinahunting na ako ng mga taong bayan... Napaka swete ko talaga dito.

Kasalukuyan akong nagpupunas ng counter nun ng bigla akong nilapitan ni Mr. Monde. 

"Ahhmm Saver. Ang sipag natin ahhh." Puri nito sa akin.

"Hooo? Eh palagi ko naman ho itong ginagawa ahh. Saka ito ho ang trabaho ko." Sa aking pagtataka.

"Alam ko. Pero iba ka." Wika niya sabay dantay ng kamay niya sa balikat ko.

Gginitian ko lang si Mr. Monde nang mga tagpong yun. Mukang nasa good mood lang iyan kaya niya nasabi yun. Tapos nun eh agad din siyang umalis.

"Hoii Saver anong sinabi sayo ni Mr. Monde?" Chismis ni Eman sa akin.

"Kaw talaga wala lang yun!" Sagot ko naman.

"Sigurado ka? Eh alam mo ba Saver eh narinig ko na gusto kang gawing cook sa loob eh tataas na ang ranggo mo." Chismis nito.

Red Moon (Published Book under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon