Prologue & Chapter 1

32 0 0
                                    

Prologue.

Ako si Alexi Patrise Rozales. Makulit. Bibo. Maingay. Takot akong mawalan ng kaibigan.

Siya si Mikko Salvador. Sarili lang niya ang iniisip niya. Ayaw niya nang pinapakialaman.

Kung magiging kaibigan ko siya... magagawa niya kaya akong ipaglaban? 

Chapter 1

Good morning! Haaaay, sunshine! Bumangon na ako sa kama at nag stretching muna. Chineck ko rin yung phone ko. Hmm. May dalawang texts.

From: Trix

Good morning Lexi! See you later! Yiieee, 4th year na tayooooo! ^_^

Napangiti naman ako nung nabasa ko 'to. Bago pa kung anu- ano maisip ko, nireplyan ko na lang best friend ko. 

To: Trix

Hi Bes! Omg, excited na ko makita ka! Sana classmates ulit! :D

Sent. Pakiramdam ko si Ken yung isa pang nagtext. Haha.

From: Jahken

Good morning, Lexi. Goodluck.

Hmp. Pati ba naman sa text, ang straight-face niya? Paano nga ulit kami nakatagal ni Trix dito? Haha. Mareplyan nga din.

To: Jahken

Good morning Elijah! Magsmile ka naman! See you later! :D

Sent. Grabe! Ang bilis din ng panahon! Akalain mo yun, dati grade 1 pa lang kami, nag- aagawan pa sa pabaon ni Tita Gen. Tapos ngayon, 4th year na kami. Graduating na! Time flies nga naman...

6:00 pa lang pero halfway na ako palabas ng village namin. Di ko alam, nakagawian ko nang lakarin mula bahay hanggang school e. Dati nga napagalitan ako ni Mommy kasi ayaw ko magpahatid sa driver. Malapit lang naman kasi e, sayang lang sa gasolina. Nakakapayat pa!

Tsaka masarap kaya maglakad kapag umaga, nakikita mo yung mga nagwawalis sa harap ng bahay nila, yung mga aso, yung mga pinapaarawan na baby, nakakatuwa lang. Nakakarefresh.

Wala pang 6:30 nung dumating ako sa school. First day of school ngayon kaya maaga pang pumasok ang mga estudyante. Siguro para na rin malaman na nila class assignments nila nang maaga at hindi na makipagsiksikan mamaya. 

Pumunta na muna ako sa bulletin board para makita yung class assignments naming tatlo nina Trix at Jahken. Hmmm.

"Yessss! Classmates na naman kaming tatlo!" Medyo napalakas ata yung sabi ko? Haha. Wala lang, masaya lang kasi 4 years straight na kaming magkakaklase! Kaya ang solid namin eh. :)

Agad agad kong kinuha sa bulsa ko yung phone ko para itext sila. Baka mamaya makitingin pa sila dito e. Sayang lang pagod nila. 

To: Jahken, Trix

Uyyy classmates na naman tayo! IV- Evergreen. Building A Room 1! See youuu! :D

Nagpunta na ako sa room assignment namin sa Building A. Sa hallways may narinig ako na may transferee daw sa section namin. Bakit naman kung kailan graduating na siya tsaka pa siya nag- transfer? Hindi kaya mahirapan siyang makipagkaibigan niyan? Ang lungkot kaya ng walang kaibigan. I should know because I've been there. 

When Reality StrikesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang