Iniumang ang isang kamay sa harap niya ngunit hindi niya iyon agad tinanggap. "You are?"

"I don't give my name to strangers," pagtataray niya.

"But you can kiss a stranger?" tanong nito nang may mapaglarong ngiti sa mga labi.

Diyos ko!

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo," natatarantang wika niya. The jerk remembered their kiss. Muntik siyang mapapikit sa kahihiyan.

"Talaga?" nakangising tanong nito. "Gusto mong ipaalala ko sa'yo?"

And before she can react, his lips landed on hers. Nagsimulang gumalaw ang mga labi nito at nawala na naman siya sa sarili. Humawak ang dalawang kamay niya sa magkabilang panga nito. Ito ang gusto ng Zeus na ito? Puwes, pagbibigyan niya ito. Hindi siya magpapatalo para pagtawanan ng mga tao sa paligid nila. She was tired being pathetic in the eyes of many.

Hinigit niya ito upang mas mapalapit sila sa isa't isa. She kissed him as hard as she can. Hindi niya rin ito agad binitiwan kahit tapos na ang makapigil hiningang halik. "You like it?"

Imbes na sumagot ay muli siya nitong hinalikan. He kissed her like the way he did the other night. Tumigil lang ito sa paghalik nang pareho na silang pinangangapusan ng hininga. Idinikit nito ang labi sa kanyang tainga. "Sweet," anito na lalo ng nagpatindig sa mga balahibo niya.

"If I got drunk tonight, can I sit outside your gate?" he teased.

"No," nangingiting sagot niya.

Ngumiti si Zeus at tumalikod na ngunit tila may nakalimutan ito at muling humarap sa kanya. "You have to tell me your name," anito.

"You're still a stranger to me."

"I'll kiss you again if we bumped to each other. Hangga't hindi mo sinasabi sa'kin ang pangalan mo."

Then I won't really tell you my name. Hay! Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit parang droga ang halik nito at gustong-gusto niya? Senyales ba iyon ng pagiging inexperienced sa loob ng matagal na panahon? Nang matikman kasi niya ang labi nito ay daig pa niya ang adik at nalulong na agad.

Tumalikod nang muli si Zeus at sa puntong iyon ay hindi na muling humarap pa.

Nakataas ang mga kilay ng mga kaibigan ni Bettina nang lapitan siya sa bar counter. "Anong nangyari?" tanong ni Yelena.

"We kissed," nakangiting sagot niya.

"Bulag ba kami, ha? Natural, alam naming naghalikan kayo!" singit ni Joyce.

"Do you even know the guy?" tanong pa ni Yelena, kunot ang noo.

"He was the stranger I'm telling you. His name is Zeus, kakapakilala niya lang sa'kin."

"Ikaw ba talaga 'yan, Bettina?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Gracia sa kanya. Ngumiti lang siya. "That guy was hot. I wished I knew him before you did."

"Minsan na nga lang magka-fafa 'tong si Bettina, sisingit ka pa," sita ni Joyce kay Gracia. Binalingan siya ni Joyce. "Kapag nakasalubong mo ulit ang lalaking iyon, huwag mo ng pakawalan. Mukhang gusto ka naman."

"I don't think so. Sa tingin ko, brokenhearted iyon dahil kagabi tinawag niya ako sa ibang pangalan."

"Sabihin mo, akin na lang siya, hindi ko siya sasaktan," pabirong sabi ni Gracia kaya nagkatawanan sila.

ALA-UNA na nang madaling araw ngunit gising na gising pa rin si Bettina. Hindi siya makatulog, hindi naman siya lasing. Mas nakakalasing pa ang labi ni Zeus kaysa sa ilang kopita ng martini na nainom niya. Unconciously, maybe she was waiting for someone outside her gate. At kapag ganoong hindi siya makatulog, nakasanayan na niyang harapin ang blog site niya.

Ako Lang Ang Nagmahal (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon