Fifth Chase

6.4K 123 7
                                    

"Love doesn't fool people. People become fool because they go beyond the limits of love." ---M.S.O

***

Sumandal ako sa pader at pumikit na lamang. I embrace the fresh air and the silence. Ilang minuto pa lamang, at tuluyan ng kumalma ang loob ko.

"Tapos ka na?" Napamulat ako at gulat na hinanap ang pinanggalingan ng boses.

"Anong ginagawa mo dito? Sinundan mo ba ako?" Naiiritang tanong ko. Umupo naman siya sa tabi ko at kampanteng sumandal din.

"Obviously," simpleng sagot niya.

"Tsk," tanging nasabi ko.

Namayani ang katahimikan sa'min. Nakatingin lang ako sa bughaw na kalangitan. I always been amazed to the beauty of the sky.

"You know what, sometimes you need to show your weak side. Don't be like a scared cat who hides, so that no one will see. Everyone experience pain, every person cries. Crying doesn't mean you're weak." Nakatingin lang ako sa kanya habang pilit iniintindi ang mga biglaang salitang lumalabas sa bibig niya.

"Even men cries, so don't be afraid showing it." Ngumiti siya, napangiti na rin ako.

Pagkaraan, pinitik ko ang noo niya.

"Aww!" Ngumisi ako.

"Ang drama mo." Natatawang sabi ko.

"Ang sama mo sakin. Pinagaan ko na nga--" I cut him off.

"Thank you." Nanlaki ang mata niya.

"Himala, nagthank you ka. Ulitin mo nga." Pangungulit niya.

"Mukha mo!'' Natatawang sabi ko.

"Ang daya!" Pagmamaktol niya.

"Ganun talaga ako eh! Blee!" Pang-asar ko. Namayani ulit ang katahimikan samin. Kampante akong sumandal sa pader sa tabi niya.

"The truth is, I always hate pretentious people. I grew up trying to be the person my family wants. To be always carefree and ambitious. In States, I'm like a robot trying to please them. Kaya noong may ginawa akong, ayaw nila at sinabi nilang ipapatapon ako dito sa Pilipinas. They didn't know that instead of being frustrated, I'm so much happy. That finally, I will be out of that cage they made."

May kung anong humaplos sa puso ko sa sinabi niya. Masaya akong kahit hindi pa kami lubos na magkakilala. Kaya niyang sabihin ang lahat ng ito. Were totally strangers but like what's happening now, we're not.

"Thank you, sa pagsabi mo sakin ng mga yan kung tutuusin, that can be your secret pero sinasabi mo sakin." Ngumiti siya.

"Dahil magaan ang loob ko sayo. Are we friends now?" Nakangising sabi niya. Itinaas niya pa ang hinliliit niyang daliri. Napangiti nalang din ako at nagpinky swear.

"Friends. Pwede mo na akong tawaging Millie at ikaw si Athan." Sabay nalang kaming natawa sa pinanggagawa namin.

"Para naman tayong bata nito." Natatawang sabi ko.

"Haha, yeah! But it feels good."

Tumayo na ako.

"Tara na!" Yaya ko. Napatingin naman siya sa relo niya.

"Late na tayo."

"Busy ang mga teachers, siguradong wala ring papasok na teacher sa room." Tumayo narin siya.

"Saan naman tayo pupunta?" Ngumisi ako.

"You will see."

"Nandito na tayo." Masayang sabi ko. Pagbukas ko sa pinto. Nalilitong inilibot niya ang paningin.

"Anong lugar 'to?"

"My paradise." Nauna na akong pumasok. Hahanapin ko pa si coach, siguradong papagalitan ako nun.


"Mabuti naman at naisipan mo nang pumasok. Akala ko kailangan ko nang maghanap ng papalit sayo." Napayuko ako.

"Sorry coach."

"Millicent naman! Alam mong malapit na ang Sports fest. Todo training na ang mga pambato ng ibang school habang ikaw, ito at kampante lang. You need to win, kailangan mong madipensahan ang titulo mo."

"Opo,"

"Magtraining ka na. Ako ng bahala sa mga subject teachers mo. I need your full focus this week. I believe you can do it yourself, may pupuntahan pa ako." Tumango-tango ako.

Napalingon ako sa likod ko. Nasaan na naman ang lalaking 'yun? Nakasunod lang siya sakin kanina. Agad ko siyang pinuntahan nang makitang nakatingin siya sa nakadisplay na mga certificates at trophies ng Taekwondo at Judo team.

"Hindi mo maibebenta yan." Sabi ko. Mukhang manghang-mangha kasi siya.

"Wow, kaya pala ang galing mong mamilipit ng kamay. Always champion ka pala." Natawa ako.

"Now, you know. Mag-ingat ka na." Pekeng pagbabanta ko. Tumawa lang siya.

"Magpapalit lang ako. Umupo ka muna doon." Turo ko sa mga bakanteng upuan.

"Millie!" Napamura nalang ako nang makitang papalapit sa'min si couch. Akala ko umalis na 'to? Pilit akong ngumiti.

"Coach, hehe si Athan pala kaibigan ko. Manonood lang po siya."

"Alam mong bawal kang panuorin sa training mo. And here you are, nagsama ka pa ng kaibigan."

"Coach, kaibigan ko naman po siya at bago lang po siya rito. Ililibot ko narin po siya."

"Yes sir, promise I will just watch her. I will not disturb her training." Napabuntong hininga nalang si coach.

"Okay," napangiti ako.

"The best ka talaga Coach!"

"Huwag mo ako binobola diyan Millicent. Halla! Magtraining ka na nga dun." Kinindatan ko si Athan saka natatawang dumiretso na ako sa CR para magpalit.

Isang maluwang na puting tela ang suot namin. Pares sa damit at pantalon. Mas kumportable at angkop kasi ang damit na ito sa sport namin. May belt din na sumisimbolo sa rank namin. Ngayon, black belter na ako.

"Hiyah! Hiak! Ah! Yah!" Sigaw ko at nagsimula na sa walang katapusang pagtraining. Bawat sipa at suntok ko, punom-punom ng pwersa. Habang ginagawa ko 'yun bumabalik sa alaala ko ang mga sinabi ni Zen kanina.

"I don't want to get involve again to any shits of yours."

"Be mature enough Claudette."

Galit ako sa kanya ngayon pero alam kong 'di rin ito magtatagal. Ganun siguro talaga kung mahal mo. Kahit anong masasakit na salitang masabi niya sayo, hindi mo pa rin magawang magalit nang matagal at mapapatawad mo pa rin pagkaraan.

Dahil mahal mo nga eh.

Kahit nasasaktan ka na, sige! go ka pa rin. Kung pwede lang sanang turuan ang puso para pumili ng taong mamahalin, pero hindi eh.

Love is so mysterious. It really plays people's feelings very well.

People tend to fall for people, who they can't have. People who are out of their league.

Like what's happening to me.

I just hope, all of this. Will be worth it. In the end.

***

VOTE, COMMENT, SHARE

Shels<3

Chasing the Cold Prince Where stories live. Discover now