Chapter 1

8 0 0
                                    

Rosie's P.O.V:

Knock!Knock!Knock!
"Anak! Rosemarie! Bumangon ka na! First Day of School mo ngayon!!
Sigaw ni ermats ko ano ba yan ang aga aga😑

"5 mins pa ma..."habang tinatakpan ang aking tenga gamit ang unan dahil sa lakas ba naman ng bunganga ng mudrakels ko sinong di mabubungol

"ROSEMARIE SOLESTAIRE!Pag hindi ka pa lumabas jan sisirain ko tong pintuan mo!"

"Opo!"Napabalikwas ako sa kama dahil sa pag tawag sakin ng mama ko ng pangalan kong buong buo!katakot talaga ni mama pag about na sa studies eh pero mabait naman si mama at isang dakilang ina☺Wala na kasi si papa pero kung iniisip nyong wala as in WALA na namatay na ay nagkakamali kayo.Naghiwalay na kasi sila mama mga 12 years old palang ako nun at si kuya naman ay 14 na nun...Ayyy ano ba yan ayokong mag emote ngayon lalo na at first day ko pa sa St.Alberts University....

After 30 mins sa Cr lumabas na ko
para makapag bihis na...

Hmmm...Ano kaya dito?...Ito nalang sigurong black plain T-shirt at ripped jeans ko at itong nike ko na black na sapatos.Pagkatapos kong mag bihis inayos ko na ang bag ko at nagsuklay ng sandali at pinony tail ang buhok ko...at last but not the least ang special kong lip balm para pang shine ng lips ko noh😉

Sa Kusina...

"Buti naman at natapos ka ng bata ka O baon mo masarap yan"sabay abot sakin ng baonan ko namay naka lagay na kanin,ham at scramble egg sa loob kaya pinasok ko agad toh sa bag ko

"O Migz,Kumain na kayo dito ni Bunsoy!"

"Opo ma!Sandali lang!"

At mamaya lang may narinig na akong mga malalaking yabag na papalapit samin sa lamesa at pag talikod ko nakita ko ang...

"WOW! KUYS! GWAPO MO NGAYON AH!"habang iniikot ikutan ang kuya migz ko gwapo nya talaga ngayon naka white T-shirt sya,pantalon na itim,rubber shoes nya na fila sa twing may lakad sya un ang sinusuot nya...

"Lagi naman bunsoy eh"sabay ngisi,sabay kindat

Akalain mo yun?!Ngayon lang yan umayos ng ganyan tas may pakindat kindat pa syang nalalaman?!Wow!

"Aba oo nga noh?Napaka gwapo mo nga naman ngayon nak"nag tinginan kami ni mama tas...

Pumalakpak!

Pumalakpak!

"Ba't kayo pumapalakpak?"tanong ni kuys na may nagtatakang mukha

"E kasi naman kuys eh ang gwapo gwapo mo ngayon at..."sabay taas ng kamay ni kuya at inamoy ang kili kili nya pero infairnes ang puti ah at mabango pa amoy formal na lalaki

"At saka ngayon ka lang naglalagay ng ganyang kabangong perfume eh!"

"A-hh..."uutal utal na sabi ni kuys

"A-hh a-hh?"nakataas kilay habang nakangising,nakapamewang na tinitingnan sya pababa sa Adam's apple nya na pababa taas

Hahaha itong si kuys talaga alam ko na toh may nalaman siguro tong may mga magaganda at mga sexy na babae sa skwelahan na un

"Kasi syempre... uhmmm...first day diba sabi nila dress to impress?...oo un nga hehehe"sabay ngiti at halatang kinakabahan na sya hahaha

"Ahhh...Ganun ba?"sabay bitbit ng bag ko

"Ahh...ako na nyan bunsoy"

"Di na kuys kaya ko toh maliit lang din naman tong dala ko tas may bag ka pang dala kaya ako na toh ah"sabay thumbs up sa kanya at lumingon naman ako kay my dearest mudra at sinabing...

"Ma,Aalis na po kami ni kuya"sabay kiss at mano kay mama

"O Sige,Mag iingat kayo ah migz ingatan mo kapatid mo ah"

"Oo naman ma"sabay kiss sa noo ni mama at mano

"Bye ma!"

"Sge!Text nyo ko mamaya kung anong oras uwi nyo ah?!"

"Opo ma!"

"O bunsoy"sabay abot sakin ng helmet

"Salamat kuys"at sinuot na nga ang helmet na binigay sakin ni kuys

At ng mag simula na ngang mag drive si kuya

After 10 mins nasa harapan na kami ng skwelahan pero umikot muna kami sa gilid ng skwelahan kung saan nandun ang parking lot

"O bunsoy ah pumasok ka na,bawal boyfriend boyfriend ah,Aral muna"

"Oo naman kuys noh!Ako pa!"

"Buti naman kung ganun O sge na pasok na"

"Sge kuys,Ikaw din ah pumasok ka na baka asan ka pa pumunta eh"

"Hahaha oo na po"

"Hahaha sge po kuys byeeeeee"at nag lakad na nga ako papasok andaming estudyante dito.Grabe talaga!

Tiningnan ko naman ang paper ng sched ko ang locker ko daw is nasa 3rd floor kung asan din ang classroom ko na floor kaya nagsimula na nga akong maglakad hanggang maabot ko ang 3rd floor sa gilid ng hallway may mga taong nag tsitsismisan may mga babae't lalaking naglalandian inilingan ko nalang un at nag patuloy sa paglalakad ng makita ko ang sign sa taas ng mga classroom at ng makita ko nga ang isang classroom na may naka lagay ng sign na Ms.Ravilla Santos

Ito na!! I-oopen ko na!! Ahhh!! Ok Rose kaya mo toh! Fighting! Aja!Aja! Inhale! Exhale!

Kaya ng ma hawakan ko na ang door knob na sobrang lamig na ng kamay ko dahil sa takot in 1,2,3...

Ingkk! (Tunog ng pag bukas ko ng pintuan)

At nanlalaki ang mata ng makita ko ang...

The Walls Between UsWhere stories live. Discover now