Pakiusap,tumigil ka na

269 27 18
                                        

Pag ayaw na itigil na
Pag pagod na sya sumuko ka na
Pag iniwan ka ayawan mo na
Hindi ka isang superhero para ipaglaban pa sya

Huwag ng lumaban kung nagmumukha ka ng tanga
Huwag ng pilitin kung ayaw nya na talaga
Huwag ng umasa kung may pumalit na
Huwag ng magpakatanga kung may ibang mahal na

Ilang sakit pa ba ang kailangan para tumigil ka?
Di ka ba nagsasawa na lumuha ng dahil sa kanya?
Ilang pagtataboy pa ba ang kailangang gawin sayo?
Pakiusap itigil mo na ang kahibangan mo

Pag tapos na tapos na!
Pagtapos na pakawalan mo na
Pag tapos na hayaan mo na
Pag tapos na wag nang umasa

Hindi ka ba napapagod kakaiyak ng dahil sa kanya?
Dahil ang mga unan mo ay sawang sawa na
Sawang sawa na sa kakasalo ng iyong luha
Naririndi na sa bawat hikbing nagagawa

Minsan matuto tayong sumuko
Lalo na kung alam nating wala ka nang puwang sa kanyang puso
Wag mong ipagpilitan ang sarili mo
Hindi ka dapat nagmamakaawa sa walang kwentang tao

Matuto kang bumitaw pag wala na
Dahil sa bawat pagpupumilit mo paniguradong sakit lang ang dala
Luluha ka na naman ng dahil sa kanya?
Pakiusap, tumigil ka na

Huwag mong sayangin ang luha mo sa kanya
Huwag mong hayaang lamunin ka ng emosyon at lunurin ng luha
Gumising ka na, tanggapin mong tapos na
Pakiusap, tumigil ka na.

-----

Follow me on twitter:@itsnotmehessel

Tula KoHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora