"Lahat ng taga Derfodaroragon, tumutulong pero may malaking kapalit." sabi ni Teylan habang yakap yakap ang brown bear niya.

"Ay talaga? Okay lang, hindi naman ako humingi ng tulong siya itong nag-kusa." sabi ko.

"Sabi ko naman kasi sayo, Huwag kang magtitiwala sa kung sino dito. Walang bampira dito ang dapat mong pagkatiwalaan mo." sabi niya.

"Kahit ikaw?" sabi ko.

"It's your choice, everything is always a risk." sabi niya at bigla nalang akong napunta sa labas ng kwarto niya pagkatapos niyang itututok ang kamay niya sa'kin.

Ngumuso ako, at dumiretso nalang sa kwarto ko. Kahit ba si Darryll kaya ako patayin? Siguro, nasaktan niya ako eh malamang ay kaya niya rin ako patayin.

Totoo nga sinabi niya sa'kin dati, na wala silang pakiramdam like love. Pero bakit parang iba si Teylan, hindi naman siya heartless na sobra.

Umupo ako sa kama, hays! Ano nanaman kayang gagawin ko bukas, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Baka mamaya kapag nakita pa ako ulit ni Darryll patayin niya na ako dahil tumakas ako.

Napasigaw ako nang nakita ko ang isang malaking lalake sa bintana ko at binabasag niya iyong bintana ko.


Sumipol ako pero hindi dumadating si Teylan siguro dahil tulog na siya. Napasigaw pa ako dahil palakas nang palakas ang pag hataw niya.

Tumakbo ako at papunta sa kwarto ni Teylan, tinadtad ko ito ng katok pero ayaw bumukas. Gosh! Teylan gumising ka naman oh.

Nakahinga ako nang maluwag nang bumukas ito, at nakita ko na si Teylan.

"Teylan!" sabi ko kaya napadilat nanaman siya.

"Ano nanaman Aubrey? sabi niya.

"May mga malalaking taong binabasag ang bintana ng kwarto ko!" sabi ko.

"Natatakot ako, dito muna ako sa kwarto mo." sabi ko.

"Diba may powers ka." sabi niya.

"Paano kung patayin nila ako?! Kaya dito muna ako sa kwarto mo." sabi ko.

"Ayoko nga, mangangamoy babae ang kwarto ko." sabi niya pero bigla siyang natigilan.

Bigla niya akong hinila at hiniga sa kama niya. Naramdaman ko ang braso niyang pumalibot sa'kin. Pinakiramdaman niya ang paligid, anyare kanina hindi siya naniniwala ngayon parang okay na.

"Ano nanini—" pinutol niya ang sasabihin ko gamit ang isang daliri niya.

Mas inilapit niya pa ako sakaniya but this time dalawang kamay na niya ang nakayakap sa'kin.

"Dito ka muna, mukhang pinapalibutan na nila tayo." sabi niya.

"Sabi sayo eh."  sabi ko.

Tumingin siya sa'kin, "Si Morgan, gusto kang kunin." sabi niya.

"Bakit?" sabi ko.

"Dahil kilala mo ako." sabi niya.

"Eh ano naman?" sabi ko.

"You'll know soon—" napatingin kami sa pintuan dahil bigla itong nasira.

Iniluwa nito ang malalaking lalaki at pumasok si Darryll.

"Kunin niyo ang babae." sabi niya ro'n sa mga lalaki.

Pero tinapat ko ang kamay ko sakanila at dahil do'n lumabas mula sa 'king kamay ang isang kumikinang na bilog at mabilis na tumama kay Darryll.

Tumulo ang dugo niya mula sa ulo, at matalim akong tiningnan.  "Sabi ko na nga ba, dapat pala pinatay na kita!" sabi niya.

"Huwag mo kasi takutin Morgan, nakakatakot ka kasi." sabi ni Teylan.

"Delikado siya, bakit mo siya pinoprotektahan?" sabi ni Darryll.

"Hindi ko siya pinoprotektahan, she's just doing her mission." sabi ni Teylan.

"Miyembro siya ng kalaban." sabi ni Darryll.

"Alamin mo, Morgan. Hanggang ngayon ba naman, gagamitin mo parin ako?" sabi ni Teylan.

"Sasama ako sa'yo...." sabi ko.

"Pero sa isang kondisyon, hahayaan mo akong lumapit sa'yo." sabi ko.

"Sure." sabi ni Darryll.

"Uhmm, it's either si Aubrey ang alay or ikaw Morgan." sabi ni Teylan at ngumisi.

"Let's see." sabi ni Darryll.

"You have no match Morgan." sabi ni Teylan.

Tumayo na ako at nag lakad papunta kay Darryll.

Lumingon ako kay Teylan, sobrang seryoso niya na parang pwede niya ng patayin ang mga nakapaligid sa'kin.

"Good choice, Taga mundo." sabi ni Darryll.

"Tse! Tara na dami mong satsat."

___

Don't forget to vote! and comment!





Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now