LWAV 9

27.5K 867 652
                                    


Hello kay Babe AE, kay Heather_JN kyut, Kay Cess at @AngelLazaro8. Shout out sa Team Sawi ❤

Chapter 9: Stare

Aubrey's POV

Pagkagising ko, nasa kama ako at nando'n si Darryll sa sofa, at nakaupo na siya. Mukhang gising na siya, syempre aubrey malamang nakadilat na nga diba diba?

"Goodmorning Aubrey." he smiled atsaka naglakad papalapit sa'kin.

Napalunok ako dahil sa ngiting binigay niya, parang hindi ako sanay na ngumingiti itong si Darryll, Gosh aga aga kinikilig ako.

"Goodmorning din." sabi ko at ngumiti, bumangon na ako pero bago pa ako makabangon, niyakap ako ni Darryll.

Natumba ulit ako sa kama at bahagya siyang nakapatong sa'kin, "I'm hungry, can you please feed me?" sabi niya at bahagyang sumimangot.

Ang pula ko na animo'y isa akong kamatis na hinog na hinog na sa sobrang pula. Ang cute niya gosh! Bakit ba siya gumaganito nababaliw na ako?!

"Alright Mr. Vampire I'll feed you." sabi ko kaya umalis na siya sa ibabaw ko at umupo siya sa upuan sa may dining table.

"Thank you, ganda." sabi niya at tinaas baba ang kilay.

Tumawa ako, "Siraulo!" tumawa ako habang napailing nalang dahil mukhang nababaliw na ito si Darryll.

Binigay ko na sakaniya ang dugo, sabay kaming kumain, sabay rin kaming naligo, joke syempre hindi, pinauna niya ako tapos siya na raw mag bibitbit ng bag ko, at papayungan niya pa raw ako.

Complete set, Darryll Martin, Buy now, Charot. Paglabas namin, pinapayungan niya ako, kaya napatingin ako sakaniya na kanina pa pala siya nakatingin sa'kin.

He smiled atsaka ginamit ang isa niyang kamay na walang ginagawa para bahagyang pisain ang baba ko.

"Baliw." sabi ko at tumawa.

"Mas okay kung ganito ka lagi, Darryll." sabi ko at ngumiti.

"I'll treat you better." sabi niya at ngumiti.

Hindi na ako sumagot dahil nakakakilig ang mga sinasabi niya, pero bakit ba ang saya ng araw na ito? nakakapanibago lang ng kaunti si Darryll dahil naging mabait na siya, pero atleast natuto na siyang makisama dahil tao kami, hindi naman ako katulad nila na vampire. So, maganda na nalaman niya na ang mga dapat niyang gawin habang nakatira siya sa bahay ko.

Hindi ko naman siya pinagtatrabaho o pinapahirapan, I just need respect at kahit kaunting utang na loob, and that's all.

Pagkarating namin sa school, napangiti si Lannie nang nakita kami. Her smile made Darryll smile as well, pero pag ako nakangiti hindi siya ngumingiti?! What!

"Hello Lannie, ganda mo ngayon ah, nagbago ata ang style ng buhok mo." sabi niya at parang kumikislap pa ang mga mata habang nakatingin aky Lannie.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now