📑A Bride For Vixem📑

24 2 0
                                    

Story: A Bride For Vixem
Author: BloodMoonCry
Parts: 26
Genre: Paranormal

Story: A Bride For VixemAuthor: BloodMoonCryParts: 26Genre: Paranormal

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kakaiba! Ito ang unang impresyon ko sa kwento mo. Short description mo pa lang nahatak mo na ako papasok. Kahit siguro wala akong tungkulin na gawan ng review ang kwentong gawa mo ay babasahin ko pa rin 'to dahil nakakaengganyo 'yong pagkagawa mo ng description mo.

Kumbaga sa pagkain, ang ganda ng plating mo. Ang ganda ng pagkapresenta mo sa niluto mo kaya nagustuhan ko agad siya.

Pagdating ko ng prologue, nagkaroon ako ng mas matinding urge na basahin na ang kasunod. Napaisip ako kung dahil ba sa pagiging isang madungis na pulubi kaya inayawan siya ng diyablong si Vixem. Sobra namang choosy nitong diyablo na 'to kun tutuusin.

Ang galing mong gumawa ng pangalan. Halos lahat ng pangalan ng mga characters at places mo ay kakaiba. Pinag-isipan mo talaga sila. Naaliw ako sa mga pangalan talaga.

Gradual lang yong pagkakadeliver mo ng kwento. Hindi mo minadali at klaro 'yong conflict ng kwento though naiiklian ako. Naiklian ako in the sense na kahit umabot ka nang mahigit na 20 chapters ay may hinahanap akong dagdag na chapters kung saan mas naipapahayag ang pag-ibig ni Vixem para kay Antares or the other way around. Medyo nakukulangan kasi ako sa parteng 'yon though hindi ka naman nagkulang sa pagpalutang ng conflict ng story mo dahil klaro mong naipahayag 'yon.

Hindi sa pinangungunahan kita but as one of you readers, mas nakakakilig 'yong sitwasyon nila Vixem and Antares kung mas nabi-build mo 'yong intensity ng feelings nilang dalawa since dumating sa point na inayawan siya ni Vixem dahil nahihinaan siya kay Antares. Siguro doon ako nakukulangan eh, 'yong paano mo ipoprove kay Vixem na hindi mahina si Antares at siya ang karapat-dapat kay Vixem given na mahal siya ng diyablo.

Hinahanap ko 'yong parte na nagiging chessy din silang dalawa kahit diablo si Vixem at mortal lang si Antares.

Overall, magandang kwento 'yong ginawa mo. Huwag papressure sa review ko dahil ito ay sa tingin ko lang naman. Depende pa rin 'yon sayo dahil ikaw ang may likha niyan.

Areas to check/improve:
👉 check minor errors sa paggamit ng words, napakaliit na bagay pero malaki ang impact kung malilinis mo 'to.

Maraming salamat.

Just A Review (OPEN)Where stories live. Discover now