Wild Daisy

9 3 0
                                    

"Anong paborito mong kulay, Daisy?"

"White"

Kanina pa kami nagtatanungan kung anong mga paborito namin, tulad ng libro, palabas, kulay, pagkain at inumin.

"Hmm, How about Flowers, what is your favorite flower?"

"Ayon oh" sabi ko habang nakaturo sa lupain ng mga bulaklak.

"Bakit?"

"Kasi sobrang tapang nila, healthy at kahit may masama mang mangyari sakanila nagiging successful pa rin sila sa huli, I want to be like them"

Ngumiti siya saakin kaya ngumiti rin ako pabalik sakanya.

"But you're already like them" pinagsiklop niya ang aming mga kamay.

"Hmm, I'm successful, yeah. But I'm not strong nor healthy. You see, I have ill"

Naramdaman ko ang paghigpit ng kaniyang yakap sa akin, na tila ba hindi ko dapat iyon sinasabi.

"You're strong and healthy. Marami nang dumaan sa buhay mo, marami ng problemang dumaan, and you chose to face them, pinili mong lagpasan lahat ng iyon ng hindi humihingi sa tulong sa iba. And you think you're not strong enough to handle those?"

Napapikit nalang ako ng umihip ng malakas ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam, but sad to say, nararamdaman kong ito na ang huli.

"Uh huh, pero hindi na magbabago ang katotohanan na may sakit ako, at malapit na akong mawala sa mundong ito"

Hinalikan niya ang aking kaliwang sentido at sini-sway ang aming katawan habang nakaupo, sinasabayan ang ihip ng hangin.

"Hon, I love you" sabi ko.

Kumuha siya ng tatlong pirasong bulaklak na meroon lang sa aming paanan at binigay saakin.

"I love you, too"

I placed my head in his chest. Naririnig ko ang tibok ng puso niya, sobrang bilis tila may mga kabayong kumakarera sa loob.

"I can here your heartbeats"

"It only beats for you, only you"

Biglang may pumatak na luha galing sa aking mata, hanggang sa sunod sunod na ito.

"Hon, hanggang dito nalang ako" sabi ko at unti unti ko ng pinikit ang aking mga mata.

Ang lupaing nasa aking harapan ang huli kong nakita.

Ang lupain ng paborito kong bulaklak.

Wild Daisy

"I love you, Daisy. My wild daisy"

Wild Daisy (One-shot)Where stories live. Discover now