CHAPTER FIVE

36 0 0
                                    

{kim's pov}

pagkatapos namin kumain ni athan, pinilit ko na syang pumasok, ayaw pa nga ni loko, pero syempre, wala syang magagawa, kaya ayun, sumunod na lang :P minsan may pakinabang din ang pagiging mas matanda ko sakanya, napapasunod ko sya kahit papano :) papunta ako ng old house ngayon, kaylangan kong makausap si master, kaylangan kong humingi ng iba pang impormasyon tungkol sa cameron clan..

"nasan si master??" tanong ko kay iko, medyo nagulat pa sya. mukang hindi nya agad ako napansin.. isa din syang slayer, at masasabi kong magaling din sya pagdating sa pagkitil ng buhay..

"ace! kawawa daw bahay mo aah?" gara ng sagot nya sa tanong ko aah?!

"kaya nga eeh, nakakabwisit >.< sayang mga gamit ko" medyo naiiritang sabi ko, pag naaalala ko kasi kung anong itsura ng bahay ko nabubwisit talaga ako >__

"hahahah, ilan ba sila? gano katagal silang nakatayo pagkatapos sirain bahay mo??" nice question iko.. gano nga ba katagal???

"anim,isang minuto ang pagitan bago mawala ang isa, pinaramdam ko pa ang takot bago sila namaalam" sagot ko sakanya..

"ibang klase, di ka nawawalan ng pakulo sa mga ganyang bagay" pailing iling na saad nya..

"hehehe.. si master? napansin mo??" tanong ko na ulit sakanya, nasasayang ang oras ko sa pakikipag kwentuhan :/

"poker room, kalaro na naman si alpha" sagot nya, tumango ako saka sya nilagpasan at nagderetso na ako sa poker room.. alam na ni iko na hindi ko dapat aksayahin ang oras ko.. alam din naman nya kung ano ang ugali ko.. nakasama ko sya sa training case..

pagpasok ko ng poker room, nakuha ko ang atensyon nilang lahat, barubal ko ba namang binuksan ang pinto eh, ewan ko na lang kung hindi sila magulat diba?! :P gustong gusto ko kasi yung ganon :) para bang grand entrance :)) hahahah, papansin lang :P saka nakasanayan ko na din :P

"ace!" si tin, sya unang nakabawi sa gulat ng lahat, sanay na kasi yan sakin.. i know him personaly kaya alam nya na ako ang papasok kapag ganon ang bukas ng pinto..

"master! i think we need to talk" yun lang ang sinabi ko habang hindi pa din umaalis sa pintuan.. nakatalikod sya sakin, sya lang ang hindi tumingin ng buksan ko ang pinto.. malamang kasi alam na nyang pupuntahan ko sya anytime, kaya hindi na sya nagulat..

"teka lang! tatapusin ko muna to.. oy! game na! masyado na naman kayong namangha sa ganda ni ace!" -___- isang malaking kupal din talaga tong master namin! misan hindi ko alam kung bakit master ang itinawag sakanya, eh may pagkaisip bata yan! at madalas hindi seryoso, happy go lucky, puro kalokohan din ang nasa isip.. minsan nga hindi ko na sineseryoso ang sinasabi nyang baliw na yan ://

nagsibalikan din naman yung ibang slayer sa mga ginagawa nila, yung iba naman nakatingin pa din sakin na para bang namamangha, di ko alam kung ano bang trip nila.. yung iba naman nagbulungan, pero hindi ko sila pinakinggan, alam ko din naman na ako ang pinag-uusapan nila.. dumeretso na lang ako sa bar at nagpakuha sa bartender ng juice.. masyado pang maaga para sa cocktail drink..

maya maya may napansin akong lalaking papalapit din sa bar, tinignan ko lang sya habang naglalakad papunta sa dereksyon ko, nakatingin din sya sakin, tinignan ko lang sya ng blangko.. pagkatapos pa ng ilang hakbang nya, nasa tabi ko na sya, kinausap nya ang bartender at humingi ng maiinom..

"so you are the great ace!" napaismid ako sa sinabi nya, great ace??? where the hell that comes from?? hahahaha, mga tao nga naman, basta basta na lang nagkakabit ng karugtong sa pangalan ng iba..

"i heard what happen to your house last night, ang akala ko hindi na kita makikita ng personal" wow? anong tingin nya sakin? ganon na lang kadaling mawawalan ng buhay???!

The Princess is the Gangster SlayerKde žijí příběhy. Začni objevovat