CHAPTER THREE

41 2 0
                                    

{kim's pov}

nakauwi na ako ng bahay :)) ang sarap talaga mailibre ng pagkain :)) halos hindi pa nababawasan allowance ko para ngayong linggo aah! may iba talagang pakinabang pag mayaman ang bestfriend :)) pagnalaman kaya ni athan na pamilya niya ang bumubuhay sakin ililibre nya pa kaya ako ng ganto??? hahahahah :P

naglinis na ako ng katawan at handa na akong matulog, nang mapansin kong may dumaan sa tapat ng pintuan ng bahay ko, nakapatay kasi ang main light dito sa sala, sa kusina lang bukas at sa tapat ng bahay, kaya napansin kong may aninong dumaan galing sa bintana papunta sa pintuan ko.. sino kaya tong hinayupak na to?? :/

dahan dahan akong pumunta sa pinto, pinakiramdaman ko muna kung nasaang parte na siya.. nabigla ako ng biglang gumalaw yung door knob, mukang balak pang pumasok ng gagong to aah! kinapa ko yung kutsilyong nasa ilalim ng table malapit sa pinto, saka ako sumilip ng  kaunti sa bintana, napalaki ang mata ko ng may makita akong mga lalaking nakatayo sa paligid ng bahay ko.. mga nasa anim sila o pito, hindi ko makilala dahil malayo layo sila sa ilaw.. potek na! hindi maganda ang kutob ko sa mga lalaking ito aah! pero kaylangan kong makita ang mga muka nitong mga to! dahil kung tama ang kutob ko na may hindi magandang mangyayari, kaylangan kong malaman kung anong kaylangan nila sakin..

naririnig kong nag uusap sila, pero hindi ko maintindihan dahil malayo sila sa bahay, potek! kaylangan ko ng impormasyon! nagulat ako ng maglabas yung isa sakanila ng baril, takte! wag nila sabihing...

napatingin sa bintana ang isa sakanila, kaya nagtago agad ako, nagpalingon lingon ako sa buong bahay, at ng mabuo ang plano ko, di na ako nag atubili pa at ginawa ko na.. pagkatapos ng ilang minuto binuksan ko pa ang isang ilaw sa labas ng bahay at natawag nito ang atensyon nilang lahat, at gaya ng inaasahan ko, armado sila,

di nagtagal, kanya kanya silang labas ng baril.. pero nakita ko na ang mga mukha nila, kaya wala na silang kawala.. 

pagkatapos kong masiguro kung sino sila, binuksan ko na yung pinto, kasunod nito ay ang pagkasa nila ng 

mga baril nila, at wala pang limang segundo pinaulanan na nila ng bala ang buong bahay ko...

{AUTHOR'S POV}

walang sawang pinaulanan ng mga armadong lalaki ang bahay ni kim, nagtagal din ito ng limang minuto.

parang mga walang takot na mahuli ng pulis dahil sa ginagawa nila, sa sobrang tagal ng pagpapaulan nila ng bala sa kawawang bahay, malamang ay paparating na ang pulis, pero parang wala silang pakialam doon.. matapos ang ilan pang minuto ay tumigil na sila..

"clear the area!" sigaw ng leader nila.. sinunod naman ito ng dalawang lalaki at dali daling pumasok sa loob ng bahay ni kim.

"sigurado bang andito si ace?" tanong ng isa sa kasamahan nito..

"malamang! nanjan nga sasakyan nya diba?? saka kung wala sya, sino magbubukas ng ilaw sa labas at ng pinto??? multo??" natatawang sabi ng isa.. patuloy silang naglibot sa loob ng bahay.. nagpunta ang isa sa kusina at naiwan ang isa sa may sala..

 "tignan mo sa kwarto!" sigaw ng lalaking nasa kusina, pagkatapos nyang malibot ay lumabas na ulit sya, laking gulat nya ng makita nya ang kasamahan na nakahandusay na sa lapag.. naging alerto sya at tinutok ang dalang baril sa bawat paglingon nya..

"imposibleng buhay ka pang babae ka!" nasambit nya sakanyang isipan.. malabo nga namang buhay pa ang isang babae pagkatapos paulanan ng bala ang bahay nito.. gumawa pa sya ng ilang hakbang at sinubukang hanapin ang pakay nya..

♪krrrriiiinnnnggggg♪

nagulat ang lalaki sa pagtunong ng telepeno, kaya dali dali nya itong nilingon at pinaulanan nya ng bala ang kawawang telepono.. maya maya ay biglang pumasok ang dalawa pa nilang kasamahan..

The Princess is the Gangster SlayerWhere stories live. Discover now