Chapter 1 - Friends??

150 37 83
                                    

Kate POV
Another day for school day. Ang saya talaga kapag nag-aaral. Marami kang mapapagaralan at nakaka-enjoy lalo pag wala kang ka-relasyon. Sus! Bakit un ang gusto ng mga classmates ko? Ang bata pa nila sa mga ganyan. Mas mabuti pa nga na mag-aral eh.

Nakapasok na ako sa loob ng canpus at hinahanap ko na lang ung classroom ko. Grabe naman! Dalawang kilometro pa papunta sa classroom ko? Eh ang sobrang dami ng tao dito eh!

So nahanap ko na ung classroom ko. Nakipag-siksikan pa ako sa mga tao kasi lagi nilang hinihintay ung mga naging crush ng campus. Hay naku! Magbasa na lang sila kaysa maghintay. Time is gold kaya!

So grabe naman ako dito. Ako palang mag-isa? So it means ako lang ung kaaway ni Kyle? As usual! Mortal Enemy ko sya eh.

Tinignan ko muna ung cellphone kong iphone 6 plus. Nag text sakin si Chloe na hindi raw sya makakapasok dahil nasa Legaspi City, Albay siya. In short, sa bicol. Nag-celebrate daw kasi ung tita nya kaya pumunta ung mga magulang niya at sinama sya. Nag text na lang ako sa kanya na ingat sa byahe.

So ilang minuto palang, mag-isa parin ako dito. Wala parin ung teacher namin.

Lonely ako pagdating sa classroom.

Always naman akong ganyan eh. Kasi naka-focus ako sa aral para sa brighter future ko.

So nilabas ko muna ung book ko sa Science para advance reading bago magsi-balik ang classmates ko sa classroom. So medyo mahirap pero nakaka-enjoy ung subject.

Naka 7 page na ako nang binabasa pero wala parin sila hanggang ngayon. Baka di naman ata papasok tong si Kyle. Ang tagal ko nang nasa classroom. At least may nabasa na ako about sa magiging lesson ko.

Maya-maya, dumating na si Mrs. Alexandra Emmanuel. Nagulat sya dahil ako palang ung tao dito sa classroom.

"Kate? Asan ung classmates mo? 8:30am na wala parin sila." Tanong ni Maam.

"Maam, baka nasa labas po sila. Hinihintay lang po si Kyle." Sambit ko.

"Ah ung crush ng campus? Ang bata nyo pa para sa ganyan. Buti aral ang pinag-iispan mo, Kate." Sambit ni Maam.

"Umm, pwede ko po ba silang silipin kung ano na po ginagawa nila sa labas?" Tanong ko.

"Sige Kate. Basta mag-ingat ka baka may away dun na nagaganap. Buti kapa. Masunurin. May special award ka sa graduation." Sambit ni Maam.

"Thank u po. Tatawagin ko na po sila." Sambit ko.

Lumabas muna ako ng classroom at parang may naririnig akong nag-aaway sa labas. Hindi ba un sila Kyle at Xaira?

"Guys! May balita daw na nag-aaway sina Kyle at Xaira. Dali punta tayo!" Sabi nung isang babae.

Bigla akong na-confuse. Alam kong 2 years na sila ni Xaira. At alam kong seryoso sya dun. Bakit nag-away sila??

Sinundan ko ung nagsabi na nag-away sina Kyle at Xaira.

Totoo nga.

Bakit sila nag-aaway? Btw, wala naman akong paki eh. Basta mag-away lang sila dyan.

"Babe, please don't leave me. I love you!" Sambit ni Xaira kay Kyle.

"Ano kaba Xaira! Tapos na tayo!! Niloko mo lang pala ako eh!!" Sambit ni Kyle.

Bigla nang umalis si Kyle at iniwan si Xaira na umiiyak. Biglang lumapit ung mga bffs nya para tulungan sya.

Oo. Hate ko man si Xaira pero naaawa naman ako sa kanya kasi nasasaktan din sya sa ginawa ni Kyle. Nakakainis talaga ung lalaki un. Pati sarili nyang babae, sasaktan nya lang.

Nagsi-alisan na ung mga tao na napapaligid sa kanya. Buti naman at makakalapit na ako.

"Wag kang lumapit samin, Kate! Ikaw may kasalanan dito kaya nag-break sila!" Sambit ni Gina.

"Excuse me! Bakit mo ako sinisisi? Mortal Enemy ko si Kyle! So better shut up and think!" Sambit ko sa kanya.

"Gina, please wag kana makipag-talo kay Kate. Kakausapin ko na lang siya." Sambit ni Xaira.

Sa mga sinabi ni Xaira, biglang nawawala na ung mga galit at inis ko. Bigla syang lumapit sakin.

"May gusto akong sabihin sayo, Kate" bigla akong nagulat sa sinabi ni Xaira.

"Ano un Xaira?" Tanong ko.

"Sorry kung hindi ako nakinig sayo. Sorry kung lagi tayong nagtatalo. Sorry kung minsan sinaktan kita. Sana patawarin mo ako, Kate" Sambit ni Xaira.

Ewan ko ba kung matatanggap nya yun kasi baka plastik lang sya sakin. Bakit mo iniisip un, Kate? Mas maganda kapag makikipag kaibigan na kami.

"Napatawad na kita dati, Xaira. Kahit nasasaktan na ako sa inis mo, lagi kitang pinapatawad." Sambit ko.

"Pwede na ba tayo maging bff?" Tanong nya.

"Yup. Basta walang plastikan." Sambit ko.

Parehas na kaming bumalik sa classroom. Pag-pasok ko sa classroom, tumayo agad si Kyle at may balak syang awayin ako.

Mukhang matagal-tagal to. Ihanda ang kamay at paa, Kate.

Author's note:
Im very sorry po kung ito ung simula. First time ko po kasi gumawa. Sana ma enjoy nyo ung susunod dahil Kate vs. Kyle na po.

See you next time!!

My Mortal Enemy (Under Editing) Where stories live. Discover now