Dad's Water Paradise

8 0 0
                                    

Gumising ako ng tanghali na mga alas onse na.

Pagkamulat ko ng mata kinuskos ko ito at tinanggal ang mga muta sa mata.Pagkatapos pumunta ako ng sofa.

"Anak sama ka ba sa akin pupunta akong palengke para sa kakainin natin sa swimming"sabi ng nanay.

"Sige ma sasama ako tsaka saan ang swimming natin?"sabi ko."Sa dad's anak"sabi ni nanay.

"Ahh okay sige"sabi ko.Pumunta kami sa palengke habang naglalakad ay nagkukuwentuhan hanggang sa 'di namin namalayan na nasa palengke na pala kami.

Bumili si mama ng baboy para sa adobo,manok para sa pirito at ham para sa palaman sa tinapay.

Pagkatapos ay umuwi na kami nang  nabili na namin lahat ng kailangan.

Nang nasa bahay na kami abala kaming lahat sa mga dadalhin katulad ng pagkain at damit.

Nang matapos ay sumakay kami sa tricycle papunta sa dad's binayaran namin ito ng 150 pesos.

Agad kaming pumunta sa counter para kumuha ng ticket pagkababa namin sa tricycle.

Napili ni mama na sa 2nd floor nalang kami,malaki at mahaba naman ang lamesa kaya okay na.

Dahil naiinitan na ako ay pumasok ako sa blue na cr,panlalaki pala iyon ang tanga ko talaga hahaha!

Napagalitan tuloy ako ng pinsan kong lalaki at ang tanga ko daw.Wala naman kasing nakalagay kung boys or girls ehh ayy naku hahahahahaha!

Buti nga walang tao dun eh kaya pumunta nalang ako sa pambabae na cr at doon nagshower.

Pagkatapos ay bumaba na ako para magswimming sa swimming pool na malalim na hanggang leeg ko pero kapag tumingkayad ay hanggang dibdib ko lang.

Bago ako magswimming nagslide muna ako at hindi ko inaasahan na hanggang leeg pala ang pool hayun muntikan na akong malunod.Buti nalang hindi hahahahaha!

Naenjoy ko naman yung pagsuswimming ehh pagkatapos ay nagpunta ako sa mas malalim pa hanggang bibig ko kaya tumingkayad ako hanggang leeg lang.

Nakita ko doon ang kapitbahay naming si Ate Lea pumunta ako sa kanila at nakihalubilo sa paglangoy nanghiram ako ng salbabida at naglangoy aso ako muntanga nga ako ehh hahahaha!pero ayos lang naenjoy ko naman din eh.

Pagkatapos kong magswimming ay umahon na ako at nagpunta sa 2nd floor para kumain pagkatapos ay nagpicture picture at nagkaraoke.

Lumipas ang mga oras alas singko na napagdesisyunan ko ng maligo pagkatapos ay nagbihis at kumain ulit ng cake na binigay ng kapitbahay namin ang sarap chocolate flavor kasi ehh.

Nilinis ang pool kaya lahat ng tao ay nasa kanya-kanyang lamesa para kumain at bumalik sa pool para lumangoy ulit.

Ako lang ang naligo ang mga kasama ko lumalangoy pa.Birthday celebration ito ni mama kaya masaya ang bawat isa at first time ang outing na ito.

Lumipas ang mga oras ulit at napagdesisyunan na umuwi na kami mga 7 na 'nun ng gabi pagkauwi 8 na isang oras din ang byahe namin.

Pagkababa ko ay pumunta ako sa sala para manuod pagkatapos ay kumain na at natulog sa kwarto ko bago matulog nagcheck ako ng fb at wala namang bagong post kaya natulog nalang ako .

Kamsamhida!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lonely GirlWhere stories live. Discover now