Las Piñas

6 0 0
                                    

HELLO GUYS SORRY KUNG NGAYON LANG NAKAPAG-UPDATE SI AUTHOR BC KASI EHH.

Gumising ako ng maaga dahil pupunta kaming Las Piñas.

Pagkamulat ko ng mata kinuskos ko ito at tinanggal ang mga muta sa aking mga mata.

Bumangon ako sa higaan at pumunta ng kusina para maghilamos.

Pagkatapos ay pumunta ako ng kusina para mag-almusal at mag-cellphone.

Lumipas ang mga oras at napagdesisyunan ko na maligo na at pagkatapos ay magbihis na din.

Hindi ko namalayan na alas dose na pala ng tanghali at aalis na kami dahil mahaba pa ang aming byahe.

Mahigit dalawang oras ang byahe namin papuntang Las Piñas.

Hanggang sa makarating kami doon at pumasok na kami sa loob ng bahay.

Niyaya kami ng ninang at ninong ko na kumain muna at pagkatapos ay umakyat ako sa ikalawang palapag.

Nadatnan ko si Kuting,anak nila ninang at ninong na nag-iipod na may nakasuot na earphone sa tenga.

Nagulat siya na nandito kami at tinanong na "akala ko hindi na kayo pupunta ehh".

"Dapat hindi talaga kaso makulit ang mga pamangkin ko na pumunta dito"sabi ni tita.

Tinuon na ni Kuting ang kanyang sarili sa kanyang ipod at nagsimulang magpipindot.

Tinawag ko si Kuting at sinabing pwedeng makiconnect sa wifi at sabi niya pwede naman,ibinigay ko sa kanya ang aking cellphone at ilang sandali ay ibinalik na niya sa akin.

Ilang sandali pa ang lumipas lahat kami ay nagselfie-selfie malapit sa veranda.

Bumaba na kami at pumunta sa kusina para kumain ng mango cake,kumuha kami ng plato at kutsara para kumain.

Nagsimula na kaming lantakan ang cake at pagkatapos ay pumunta kami sa sala para kumanta sa videoke.

Pinili ko sa song book ay yung malaya by moira,iyong kumanta ng titibo-tibo.

Nagsimula na akong kumanta at hindi namalayan ang oras na gabi na pala,napagdesisyunan na umuwi na kami.

Pagkalabas ay nagtungo ako sa tindahan para bumili ng candy.

Muntikan na akong maiwan kung hindi naalala ni tita na wala pa ako sa sasakyan,Uber express ang sinakyan namin pauwi.

Habang nasa biyahe ay nagtanong si tita sa amin kung dala namin ang mga pagkain na pinadala.

"Wala kaming dala tita"sabi ni kuya.

"Ensai hindi ba pinadala ko sa iyo yon?"sabi ni tita.

"Nalapag ko sa lamesa at nakalimutan kong dalhin"sabi ni Ensai.

"Hala ka!paano 'yan kapag tinanong ako ng tita ninyo kung nasaan ang mga pagkain na pinadala?"sabi ni tita.

"Sabihin ninyo kay mama na ubos na dahil maraming bisita"sabi ko.

Actually konti lang talaga ang bisita ang galing ko talaga magsinungaling ehh noh?Hahahahahaha!

Matapos ang ilang oras ay nakauwi na kami at sumalubong sa amin ang aking mama at nagtanong kung nasaan ang mga pagkaing pinadala.

"Naiwan ni Ensai sa lamesa"sabi ni tita.

"Ang tanga ninyo talaga"sabi ni mama.

Pumasok na kami sa bahay at dumiretso ako sa kusina at kumain pagkatapos ay nanuod ako ng tv sa sala at nagkakakalikot ako ng cp ko at tinignan yung fb at ig ko kung may bago bang post.

Noong wala namang post ay nagwattpad nalang ako pagkatapos nagutom ako kaya bumaba ako sa kusina para kumuha ng pagkain,ang nakalagay lang sa ref ay fresh milk at sa ibabaw ng ref ay monde na mamon kaya ayun nalang ang kinain ko pagkatapos ay umakyat ako sa kuwarto ko para matulog.

Enjoy reading!

Lonely GirlWhere stories live. Discover now