"anong nangayari???" tanong ng isa...

 "buhay pa ang target, nap--" hindi na natapos ng lalaki ang kanyang sinasabi ng bigla na lang itong tumumba sa sahig, nagulat ang dalawa pang lalaki sa nangari..

"ALPHA!!!" dali daling pumasok ang leader ng mga armadong lalaki sa loob ng bahay kasama ang isa pang lalaki, laking gulat nila pareho ng madatnan nila ang mga kasamahan na nakahandusay na sa sahig at naliligo na sa kanikanilang dugo...

"korin! tignan mo sa itaas ang taget!" utos ng leader sa kasama nito... ngunit nakakatatlong hakbang pa lang sya ng may marinig syang nagsalita..

"hindi na kaylangan korin!" dali dali nyang nilingon ang pinanggalingan ng boses at tinutukan ng baril..

"huwag!" sigaw sakanya ng kanyang leader..

"mukang takot ka din palang mamatay alpha" saad ni ace sa tenga ng leader..

"alpha! ano pong gagawin ko??" tanong ni korin na naguguluhan kung babarilin na ba ang babaeng nasalikuran ng leader nila at nakapulupot ang mga braso sa leeg ng alpha..

"go ahead and shot me boy! pero siguraduhin mong mas mabilis ka sakin, dahil kapag nagkamali ka, ikaw ang tatapos sa buhay ng pinakamamahal nyong alpha!" nakangiting sabi ni ace kay korin.. gulong gulo na ang binata kung ano nang gagawin nya.. masyadong komplikado ang posisyon ng target nila at ng alpha nya.. nakapulupot ang braso nito sa leeg ng leader nila, tinancha nya kung saan nya patatamaan ang target, at naisip nyang sa ulo dapat, dahil nakaharang ang katawan ng leader nila sa tawan ng target nyang si ace.. pero napagtanto nya na mahihirapan din syang patamaan ito sa ulo, dahil may katangkaran ang leader nila at hindi naman ganon katangkad ang target nya..

"alpha!" sigaw nya.. napaismid naman si ace sa sinigaw ng binatilyo..

"mukang bago ka lang sa trabahong ito korin. hindi mo alam ang dapat mong gawin?? let me tell you this! if you want to be an assassin! kaylangan mong matutunan na magsakripisyo!" pagkatapos ng mga sinabi ni ace ay may nakatutok ng baril kay korin.. kaya lalo tuloy syang nataranta, tama si ace, bago lang sya sa trabahog iyon, kaya nakadikit sya kay alpha dahil tinetrainne pa lamang sya nito..

"i'm not that bad korin, bibigyan na lang kita ng option.. you just have to choose! it's either you will shot your alpha in his heart.. and i will let you live your life, or susubukan mo akong barilin. pero kapag sumablay ka, patay ang alpha nyo... at patay ka rin!" seryosong sabi ni ace sakanya. napaisip si korin sa ginawang kasunduan... natagalan sya sa pagsagot, dahil gusto nyang mabuhay.. tinignan nya ang kanyang leader na parang nagtatanong ng kung ano ang dapat nyang gawin..

"walang yaa! napakatuso nga talaga nitong babaeng to! tama nga sila, hindi sya basta basta.. pero anong gagawin ko ngayon?!" nasabi at naitanong ni korin sa kanyang sarili.. naguguluhan sya kung anong dapat nyang gawin, pero napagtanto nya na pwede pa syang mabuhay, dahil katulad ng nasa usapan, kapag binaril nya si kim at nagkamali sya, ang leader pa rin nya ang patay, at ang kalalabasan sya pa din ang dahilan, pero kung papatayin nya ang leader, maaari pa rin syang mabuhay..

"tsk tsk, i think this will be your last job alpha! you need to say bye to your trainee" nakangiting bulong ni ace sa tenga ni alpha.. maya maya ay kinalabit na ni korin ang gatilyo ng kanyang baril habang nakapikit..kasabay ng pagdilat ng mga mata ni korin ang dahan dahan na pagbagsak sa lupa ng leader nila..

"see you in hell ace!" yun ang huling sinabi ng alpha bago ito tuluyang binawian ng buhay.. tinaasan lang sya ng kilay ni ace sa mga sinabi nito.. pagkatapos ay tinutukan nya na ng baril si korin na noon ay gulat pa sa nagawa nya..

"mukang ako dapat ang babarilin mo korin" saad ni ace sa gulat na binatilyo, pero hindi rin nagtagal ay nakabawi rin ito sa pagkagulat at tinutukan din sya nito ng baril...

 "you want me to shot you??" tanong ni ace kay korin..

 "may usapan tayo!" sabi naman ni korin..

"hahahaha!! alam ko, pero pano ka nakakasiguro na tutuparin ko ang sinabi ko kanina??" nagulat si korin sa sinabi nito, tama nga, wala syang kasiguraduhan na tutuparin ng tusong babae ang sinabi nito sakanya kanina, kaya nakaramdam sya ng kaba.. nginitian lang sya ni ace ng nakakaloko, pagkatapos ay nagsimula na itong humakbang papalapit sakanya at hindi nya alam kung bakit pero napaatras sya.. nakatutok pa rin ang mga baril nila sa isa't isa habang patuloy ang pag-abante ni ace at hindi din mapigilan ni korin ang pag atras nya...

"BOOOO!" sigaw ni kim. kaya napaindak si korin at napasandal ng tuluyan sa pader, naibaba din nito ang baril na nakatutok kay ace kaya lalong natuwabsi ace sakanya... tinitigan lang sya ng binatilyo habang parang nagmamakaawa sakanya na huwag syang patayin.. kaya hindi na napigilan nito ang mapangiti at tuluyang ibaba ang nakatutok na baril sa binatilyo..

"masyado ka pang takot mamatay korin, kung gusto mong tumagal sa ganyang trabaho, kaylangan mong tanggalin ang takot na yan.. kaya hindi muna kita papatayin sa ngayon.. pero gusto kong bumalik ka sa pinanggalingan nyo, at sabihin mo sa nag utos sainyo na maghanda sila dahil maling slayer ang gusto nilang ipatumba!" pagkatapos ng mga salitang iyon ay binigyan ni ace ng napakalakas na suntok si korin.. at ito ang naging sanhi ng pagkakawalan ng malay ng binata...

The Princess is the Gangster SlayerWhere stories live. Discover now