SEVENTEEN: Love or Money?

349 1 1
                                    

“Oh ano? Okay kana ba ditto sa room mo?” napatingin naman ako sa likod ko at nakita si Darren. Naamaze kase ako sa view kaya napatunganga lang ako.

“Ha? Oo, okay nako ditto. Ang ganda ng view.” Sabay upo ko naman sa kama. Tumabi lang din sakin si Darren pero medyo malayo.

“Oo nga e. Nirequest ko talaga yung ganitong room.” Natahimik naman ako bigla.

“Hmm.. Ano nga pala una nating lalakarin mamaya?” napatingin lang sya saken at ngumiti.

“Trabaho agad? Di ba pwedeng mamasyal muna tayo?” sabi ni Darren. Pasaway talaga tong isang to.

“Anong pasyal ka dyan. Di naman tayo pumunta ditto para mag-chill lang.” napahiga naman sya nun sa kama ko.

“Maaga paaaa. Besides, sa lunes pa talaga ang start ng itatrabaho natin ditto. Tsaka daig mo pa ko ah, ako kaya ang boss.” Tumayo naman ako sa pagkaka'upo at hinihila ko sya patayo.

“Pwede ba DJ, ayan ka nanaman sa pagka-childish mo ah. Tsaka tumayo ka nga muna dyan sa kama ko. Kadiri ang baho mo eh!” pilit ko syang hinihila kaso mabigat talaga sya.

“Hoy anong mabaho! Ang bango ko kaya.” Sabay hila nya saken. Napa'patong naman ako sa kanya at yakap-yakap nya ko. Magkalapit narin yung mukha namin.

“A.. ba.. tssk! Dj..” eye-to-eye lang din kami. Tsk! Kainis ano ba tong nangyayare?

Bat parang may iba? Aahhh~

“AD, baket?” chill nyang tanong.

Chill lang sya samantalang ako ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ano ba tooooooo! >.<

“Ahmmm…” napatigil ako bigla.

Tinignan ko yung buong mukha nya.

Ang kinis, ang puti rin niya. Ang gwapo pala ng taong to bat ngayon ko lang napansin? Hahahaha.

Sh*t! Ano daw sabi ko? :|

“AD?” sabi nya na parang hinihintay parin na matapos yung sinasabi ko.

“Ahhhh… ano ba. Ahmm.. ang baho mo!” sabi ko sabay tawa. Natawa rin naman sya saken nun.

“Ah ganun ah? AD, alam mo ba yung The Finger?” napatigil ako sa pag tawa at napatingin sa kanya. Ganun parin ung posisyon namin.

“Ano naman yon?” ngumiti naman sya saken ng nakakaloko nun sabay taas nung right arm nya. Napataas naman ako ng kilay sa kanya.

You and IWhere stories live. Discover now