FOURTEEN: LQ?

380 3 0
                                    

At laking gulat ko ng makita ko si Alden at si MJ nakatayo sa harap ko pagkabukas ko ng pintuan. Teka, alam ko sabado ngayon pero wala naman kaming usapan ah? Ano naman problema ng mga to at napasugod sila ditto ng walang pasabi?

“Oh kayo pala, Alden at MJ.” sabi ni Travis. Napatingin naman yung dalawa nun sa kanya.

“Pasok kayo. Bat kayo naligaw ditto ng ganitong oras?” tanong ko nung mapapasok ko na sila. Ngumiti lang saken ng nakakaloko si MJ nun at for sure dahil kay Travis.

“Hi nga pala, Travis! Anyway, kase kanina magkakasama kami ng mga boys kaso bigla sila nagkaroon ng mga kanya-kanyang emergency kaya naiwan kami netong si Alden. Eh ayaw pa namin umuwi kaya naisipan namin dumaan ditto.” sabi ni MJ.

“Eh di naman namin alam at naisip na may ka’date ka pala.” sabi ni Alden. Nanlaki naman mata ko sakanya. Automatic naman ako napatingin kay Travis at naka'akbay pala sya saken. Eehhh~

“Hindi kami nagde-date, Alden ah.” sabi ni Travis at medyo tinanggal nya nun yung kamay nya mula sa balikat ko tapos humawak nalang sa may elbow ko.

“Ah hindi ba? Edi bisita kase.” Sabay smirk niya. Tss! Ibang klase talaga tong si Alden mang-asar.

“Che! Kainis, Alden ah. Eh kakatapos lang namin mag'dinner. Kumain na ba kayo?” depensa ko naman.

“Oo! Napalamon ulit kami kina Jomari e. Hahaha!” natawa naman ako nun kay MJ.

“Ah ganun ba? Kaya pala di kayo nagpaparamdam buong araw! Daya naman.” Nag-pout naman ako. Tumawa naman nun si MJ.

“Ok lang, medyo nakabawi ka naman ngayon e. Sweet nyo naman! Hahahaha~” napangisi ako kay MJ nun tapos napatingin ako kay Travis. Napatingin sya sa ibang direksyon sabay tanggal narin nya nung pagkakahawak nya saken.

“Wala ba si Kristen?” tanong ni Alden habang tumitingin sa paligid.

“Nasa dining area po. May dalawa pa kaming bisita kasama ni Kristen dun. Tara, dessert time! :)” hinila ko naman silang dalawa nun at sumunod sila samin ni Travis.

“Oh sino yung nag-doorbe—aaahhh!” gulat na gulat nun si Kristen nung napatingin sya samin. Guess what? Katabi na nya bigla si Malcolm ngayon ah.

“Look who’s here!” sabi ni Travis. Wow, Ganado bigla si Travis? Haha.

“Oh Kristen para kang nakakita ng multo ah.” sabay tawa ni MJ.

Tumabi naman ako nun kay DJ tapos tumabi narin sakin si Travis. Tapos si Alden tumabi kay Kristen tapos sa tabi ni Alden si MJ na nasa tabi narin ngayon ni DJ. Ano ba naman tong pwesto namin.

“Eh bat bigla kayong naligaw ditto??” tanong ni Kristen.

You and IWhere stories live. Discover now