THE PERFECT MAGIC:11

3K 130 20
                                    


Xyrus pov:

"Ang tagal mo naman diyan"

"Hindi ko naman sinabi na antayin mo ako ah." Sagot pa nito sa akin na ikinakamot ko nalamang ng ulo ko.


Ang hirap kausap ni Legacy palagi kasi siyang nakakahanap ng palusot sa kung ano man ang sabihin ng iba sa kaniya maging ako din. Minsan napagiisipan ko siya ng masama kasi pakiramdam ko pinaglalaruan niya lang lahat sa paligid niya pero deep inside mas nananaig parin sa akin na totoo ang pinapakita niya sa amin.



Matalino kasi siya pero sa tingin ko yung talino niya ay ginagamit niya lang din para dun sa mga bagay na gusto niyang gawin at para nadin sa amin. Napagisipan ko lang kasi siya ng masama dati kasi nagawa niyang controlin yung mga sitwasyon para makapagdecide si Mom na bilhan ako ng gusto ko. Simula nung mangyari yun natatakot nadin ako sa talino niya pero as time goes by parang naging ok nalang din sa akin kasi sigurado naman ako na hindi niya gagamitin yung talino niya against sa pamilya namin.



"Tapos na ako. Ok ba akong tignan?" Naglakad ito paharap sa akin at wala naman akong nagawa kung hindi ang I scan siya.


Simula sa buhok niyang kulay purple hanggang sa mata niyang parang langit tuwing gabi hanggang sa suot niyang kulay puting mahaba na hindi ko alam ang tawag kasi siya mismo ang may gawa(long coat) hanggang sa paa niya na may kakaibang disenyo din ng boots.



Kumabog yung dibdib ko habang tinititigan ko siya. Ano bang nangyayari sa akin?



Pero ang mas napansin kong kakaiba sa kaniya ay ang pabango niya na amoy bulaklak. Siya din ba ang may gawa nito?




Ewan ko pero nagsisimula na siyang magbago. Hindi na siya tulad noon na kung ano yung una sa lagayan niya ng damit yun din yung sinusuot niya. Ngayon mas kaaya aya na siyang tignan. Hindi ko alam kung ang pagbabago ba niyang ito ay maganda oh hindi. Only him and the time can answer this question.


Tumango nalamang ako sa kaniya kasi wala akong masabi. Tanging pagtibok lamang ng puso ko ang aking naririnig. Nanghihina ako ngayon sa harapan niya.


"Halikana punta na tayo sa cafeteria, duon na tayo kumain. Ayaw kong magluto ngayon kasi di aabot yung supply ko sa susunod na pupunta ako ng pamilihan."

"Ayaw kong kumain sa cafeteria. Ipagluto mo ako"Utos ko pa sa kaniya.




"Ehh hindi pwede kasi kapag yang stock ko nabawasan ngayon mawawalan ako ng pagkain dito for few days at alam mo naman diba na hindi ako nanghihingi sa Mom at Dad mo ng pera. Kung ano yung binibigay nila yun lang din yung binabudget ko."



Alam ko na hindi to nanghihingi kila Mom and Dad ng pera kaya palagi akong na cocompare sa kaniya sa tuwing nanghihingi ako sa kanila. Saan ko ba daw always ginagastos yung pera ko? Bakit daw ako lang yung nanghihingi ng dagdag allowance at hindi siya? Mga ganung question ang lagi kong naeencounter sa kanila sa tuwing nanghihingi ako ng dagdag budget.

Ngayon ko lang napagisip kung paano niya kaya napagkakasya yung binibigay ng parents ko sa kaniya?



Sabi niya sa akin dati malaki daw yung binibigay nila Mom na budget ewan ko lang kung bakit mabilis tong maubos sa akin. Magamit ko nga sa kaniya yung sinabi niya dati.


"Teka? Malaki naman yung binibigay nila sa atin ah? Wala kabang sobra para ipangbili nalang ulit ng mga kakailanganin mo?"



"Hoy wag mo akong i tulad sayo. Kapag hindi ko need gumastos hindi ako gagastos. Hindi naman sa kuripot ako pero may mga instatnces kasi na need ko ng pera at saan ako kukuha nun kung hindi ako mag iipon? Ayaw ko naman na humingi lang ng humingi sa parents mo no. Nakakahiya kaya!"




The Perfect Magic (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon