THE PERFECT MAGIC:8

3K 147 18
                                    


Legacy's pov:

"Legacy huhu mag iimpake naba ako?"
Tanong pa sa akin ni Beccy, pero di ko alam kung nag-aalala ba ito o nagloloko lang.

Kinuwento niya kasi sa akin dati na ayaw niya naman talaga mag-aral dito kaso yung kuya niya pursigido na dito sila mag-aral kaya ayun.Di kasi sila pinaghihiwalay ng paaralan ng mga magulang nila kasi di daw mabubuhay si Beccy ng walang tumitingin dito which is in my opinion oo legit yun at alam na alam ko na iwan mo lang to ng isang araw tiyak may meal na maiiskip na yan. Yung kakambal niya kasi na si Bruce with unfortunate magic yung palaging umaasikaso sa kaniya simula pagligo hanggang pagkain ganun din naman ako sa kaniya minsan pero iba talaga pag kadugo mo yung umaasikaso at tumitingin sayo.




"Wag muna, mag prepare muna tayo for the incoming event. Kailangan mapasama tayo sa mga Aces para makakuha tayo ng access sa mga record ng mga nakaraang students na nagdaan dito sa Mystic"
Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Hahaha pangarap mo bayan Legacy?"
Sinamaan ko lamang ito ng tingin para masabi niyang seryoso ako.


"Ehh. Imposible yang gusto mo. Di panga nagsisimula yung event talo na kaagad tayo. Bumili panga ako nung nakaraan ng madaming chichirya para lang di tayo mabagot kakapanood sa mga natirang naglalaban."



"I don't need your beliefs na di natin kayang mapasama sa Aces. All I want to hear from you is kung In kaba or not?"


"Ay grabe siya oh.. Oo na sasali na ako sa gusto mo pero paano naman natin yun maachieve? May plano kaba?" Tanong niya pa sa akin.


"Meron na akong plano pero kailangan nating maginvestigate further. Punta tayo mamaya sa training ground ng Class 1, may itatanong ako kay Teejay at kay Xyrus."



"Ay by the way bakit ba always nauunsiyame yung tanong ko sayo? Ano bang nangyari bakit biglang nagbago yung ootd mo at bakit ka lumakas ng kaunti?"
Tanong niya pa sa akin, wala kasi kaming uniform dito sa Mystic only robe kaya kapansin pansin yung suot ko.





"Nakakuha ako ng other worldly knowledge sa mundo ng mga walang magic"Sagot ko dito with my usual tone.


"Ok, ang damot mo di kana nagshashare sa akin." Kita nyo yun ayaw maniwala? This world kasi we believe na kami lang yung nag eexist. We are on the age where we believe that the world is flat ano pabang ineexpect ko?






"Kapag inexplain ko tutulugan mo lang din naman ako kaya wag kanalang magtanong. "
Pagbabalik ko pa sa kaniya ng nakaraan, dati kasi nag explain ako sa kaniya ng theory ko kung bakit may may araw at may gabi pero tinulugan niya lang ako. Natatawa akong isipin na napakalayo ng theory ko sa totoong rason kung bakit umaaraw at gumagabi.






"Ahh sige gets ko nayung point mo" Sagot lang nito at nakaabot na kami sa room namin. Class 5 kasi kami at wala namang masyadong bago kasi yung nga kaklase ko noon kaklase ko padin hanggang ngayon.




"Good morning po professor pasensiya na po kung ngayon lang kami. Pinapabigay nga po pala ni Mrs. Indigo" Sabi ko pa at kinuha ko yung letter na hawak hawak ni Beccy na pinabibigay ni Mrs. Indigo sa professor namin.

Binuklat niya ito at binasa. Di ko pa kilala itong prof. na ito pero who cares makikilala ko din naman yan when time pass by.


"Ahh sige kaya pala. Humanap nalang kayo ng bakanteng upuan diyan." Sabi pa nito at nagtungo na kami sa empty seats.



"Huy ikaw ha nakapagbakasyon kalang pumuti kana." Chika pa ng katabi ni Beccy sa kaniya. Napakafriendly at daldal kasi ni Beccy kaya halos lahat sa room namin close niya especially yung mga babae.


The Perfect Magic (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon