"Saan?!" Medyo inis ko nang tanong sa kanya.

Natahimik siya saglit, at saka siya nagsalita.

"Sa puso ko. Yiiiieeeeee!" Sabi niya at nang-asar pa siya.

Napairap ako. Napakarami niyang nalalaman sa buhay. Jusko. Ang jeje nya. Gusto ko siyang sakalin. Grrr.

Hindi na ako nagtanong pa. Hindi sa nainis ako, wala lang siguro talaga siyang balak sabihin sa akin kung saan kami pupunta kaya nanahimik na lang ako.

"Ken, 'yung medal?" Tanong niya.

"Medal? 'Yung medal na binigay mo sa akin nung nanalo kayo sa league?"

He nodded. "Yep."

"Nasa akin. Bakit?"

"Wala lang. Nagsisisi ako na binigay ko sa'yo. Hindi rin pala magiging tayo. Balik mo sa akin. Isasangla ko. Haha!" Sabi niya at saka siya tumawa. Sus. Corny.

"Ayoko nga. Nabigay mo na sa akin eh. At saka it doesn't matter kung naging tayo o hindi. Regalo mo na lang sa akin 'yon as a friend. And lastly, hindi naisasangla ang ganon uy." Sabi ko sa kanya.

Tumawa lang siya. Alam ko naman na nagbibiro lang siya. It's just that, gusto kong malaman niya na mahalaga siya para sa akin. Sounds cringe pero alam nyo 'yun? Na-attach na rin kasi ako sa kanya. Alam kong bihira ang magkaroon ng kaibigang kagaya niya. That's why I'm grateful to him dahil tinanggap niya ako ng buo at hindi niya ako ikinakahiya na kaibigan niya ako.

Habang namamadyak siya ay napatingin ako sa paligid. Ang ganda ng tanawin. Para kaming nasa probinsya. Mabuti na lamang at hapon na, hindi na masyadong sobrang init at hindi na masakit sa mata ang araw. Sobrang perfect ng ganitong oras para maggala.

Hanggang sa maya-maya ay maaninag ko na ang dagat. And I can't contain my excitement nang makita ko ito. It's so beautiful.

"Nandito na tayo." Sabi niya at tumigil na siya sa pagpadyak. Bumaba na rin ako.

Alam ko na 'to. Ito 'yung dalampasigan na palagi naming pinupuntahan kapag vacant namin.

"Grabee, ang ganda talaga ditooo!" Manghang-mangha kong sabi at pumunta na ako sa dalampasigan.

I have to see this beautiful scenery before I die.

Nilingon ko si Renz nang mapansin kong hindi siya sumunod sa akin.

"Ano Renz? Tara!" Sigaw ko sa kanya.

Nginitian lang niya ako. Maya-maya ay sumakay muli siya sa bike kaya naman nagtaka ako.

"Renz? San ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Ngayon ay tuluyan na siyang nakasakay sa bike at handa na uling pumedal.

"I'm letting you go," he told me with a smile, at saka siya umalis.

Teka, iiwanan niya ako dito? Wait!

"Renz!" Sigaw ko ngunit hindi na niya ako nilingon. Binilisan na rin niya ang pagpedal hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now