[29] Enough

3.2K 160 7
                                    


V I N C E N T

"Sigurado ka ba na nandoon pa ang file na 'yon?" Tanong ko kay Lionne.

"Oo. Sigurado ako. Ako mismo ang nagmove noon mula sa phone nung kumuha ng video at nilagay ko sa flashdrive. Sabi ni dad, wag ko daw munang burahin for he can use that video as evidence as well para sirain naman ang mga business partners niya pag nagkataon. Hindi ko nga alam kung talino ba talaga ang ginamit niya o katangahan." Sagot naman niya.

Malapit na kami sa bahay nila. Mabuti na lang daw at wala doon ang mom niya at walang ibang nagbabantay sa bahay nila kundi ang mga katulong dito.

Hanggang sa makarating na nga kami. Dumiretso kami sa likod ng bahay nila at sinubukang pumasok sa sinasabi niyang lungga. Malaki ito at parang isang abandunadong lugar.

Nang bigla kaming harangin ng tatlong malalaking lalaki.

"He's Mr. Paul. Nandito siya ngayon to inspect this place. Si Master Gutierrez mismo ang nagpadala sa kanya rito para busisiin ang lugar na 'to. Huwag na kayong magtanong o magtaka, alam niya ito." Sabi ni Lionne sa tatlong lalaki at parang tanga naman silang naniwala.

I gave Lionne one last look at umalis na siya. Napatingin naman ako sa malalaking lalaki na nasa harapan ko. Masama ang tingin nila sa akin at tila pinagmamasdan nila ang bawat kilos ko.

Sinubukan kong umalis sa pwesto ko at lumayo sa kanila. Akala ko susundan pa nila ako, hindi na pala.

Napatingin ako sa paligid. Wala masyadong tao. Ang tanging mga nandito lamang ay ang tatlong nagbabantay sa pintuan at isang lalaking tulog na tila nagbabantay rin sa isang kwarto.

Lumapit ako doon. Mukhang mahimbing ang tulog ng lalaking nagbabantay kaya naman nagtake na ako ng advantage para makapasok sa kwarto. Mabuti na lang at hindi ito naka-lock.

Pagkapasok ko at halos manghina ang tuhod ko sa nakita ko. It's Ken.

May mga pasa siya sa braso at mukha. Nakatali siya sa isang upuan. Sa bibig niya ay may nakataling tela, ang kamay niya'y nakatali sa likod ng upuan at maging ang dalawa niyang binti ay nakatali rin.

Dali-dali akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"A-anong ginawa nila sa'yo?" Pabulong kong tanong sa kanya. My voice cracked. Gusto kong maiyak sa galit.

Unti-unting iminulat ni Ken ang mga mata niya at nang makita niya ako, bigla siyang umiyak.

"Ken, w-wag--" sabi ko sa kanya at pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mga mata niya.

Huwag kang umiyak, Ken. Ako ang nasasaktan. Please, Ken. Please.

"P-paul... A-anong ginagawa m-mo rito?" Mahina niyang tanong sa akin.

Hindi ko siya sinagot. Bagkus, tumingin ako sa paligid at naghanap ng kahit anong matulis na bagay. Nagkataong nakahanap ako ng kutsilyo. Kinuha ko ito at ginamit upang putulin ang lubid na nakatali sa mga paa niya at kamay niya. Tinanggal ko rin ang telang nakatali sa bibig niya at kitang-kita ko ang guhit na bumakat sa pisngi niya.

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now