[1] Bored

8.9K 354 45
                                    


K E N

Wednesday morning at lutang na naman akong naglalakad papunta sa gate ng school. Napakalayo pa kasi ng lalakarin ko papunta sa gate. Parang naglolokohan lang. Tapos, pagkapasok ng gate naku, sinasabi ko sa inyo. Panibagong lakad na naman. Biruin nyo, 'yung cafeteria nasa kabilang ibayo, 'yung dean's office nasa kabilang baranggay pa ata. First subject room ko this day nasa isla asul.

Anak ng rambutan.

Pagkarating ko sa gate, sumalubong sa akin ang nakakatakot na pagmumukha ni Ron este Vincent Saavedra. Sabi ko, kapag nakita ko siya uli ipapasagasa ko sa pison ang ilong nya.

Joke lang 'yon syempre. Nakakatakot sya eh.

Papasok na sana ako ng gate ng bigla nya akong harangan.

"Hey, look. Alam kong nasa'yo. Akin na," sabi nya inilahad nya ang kanyang kamay.

Tinitigan ko muna ang kamay nyang maugat. Teka, inaaraw-araw ba nito ang pagsasalsal? Ang ugat ah?

Tumingin ako sa kanya. "Ibibigay ko sa'yo kung magso-sorry ka sa akin." Sabi ko.

He frowned. "What?!" he sigh, "can't you just give me my damn ID? Dami mong alam. Nag-benefit ka rin naman," sabi nya.

Tiningnan ko lang sya. Expressionless.

At saka ako umalis. Punyeta. Bina-badtrip ako.

Papasok na sana ako ng gate ng bigla naman ako nitong hawakan sa braso.

"AKIN NA!" Sigaw nya.

Napatingin ako sa paligid. Ang daming estudyanteng nakatingin. Tangina. Anong eskandalo ang ginagawa nitong hinayupak na 'to?!

"F-fine! Eto!" Sabi ko at kinuha ko na ang ID nya mula sa aking lace. I gave it to him.

Binitawan na nya ako.

"Ibibigay mo rin pala. Kailangan ka pang takutin." Sabi nya at nauna na syang pumasok sa akin.

Napatulala na lang ako. Sa totoo lang, natakot ako sa inasta nya. Nakakatakot sya. Tumingin uli ako sa paligid. Nagbubulungan na sila.

Sige lang, pagchismisan nyo ako. Ang hilig hilig nyong chumismis ang babaho naman ng mga hininga nyo.

Inayos ko ang sarili ko at pumasok na rin ako. Naglakad pa ako ng pagkalayo-layo at pumasok na sa aking first subject. Hindi ko na sasabihin kung anong subject namin ngayon. Hindi naman kailangang alam nyo lahat.

Pagkarating ko sa room, thanks G, hindi pa ako late. Walang imik akong umupo sa upuan ko. Mukhang hindi naman nila ako napansin dahil busy sila sa pag-iingay.

Sinalpak ko sa tenga ko ang earphones ko at nagpatugtog.

After ng ilang minutes, dumating na 'yung prof namin kaya nagtigil sila bigla sa pag-iingay.

~*~

Vacant. Nagsisi-alisan na ang mga kaklase ko at ako, eto. Nakatitig pa rin sa ID nung hinayupak na lalaking 'yon.

Oo. Nagkamali ako ng bigay na ID. 'Yung akin 'yung naibigay ko sa kanya. Dugyut-dugyutin pa naman ako doon. Shems.

Walang hiyang mga guard 'yan. No ID no entry pero hindi naman tinitingnan ang mukha sa ID. Hindi ko rin naman natingnan so may contribution ako sa pagkakamali. Haha.

Tumayo na ako at saka naglibot sa kanilang institution. Hindi ko alam ang schedule nya dahil hello, magkaiba kami ng course. Kaya naman lilibutin ko na lang ito.

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now