"Nadagdagan na tayo," sabi ni papa. I looked at him. Kitang kita ko ang saya sa mga mata niya.

Tumingin ako kay nanay at ganoon din ang nakikita ko sa mga mata niya. I looked at Lionne and Yael. Pare-parehas sila ng mata at ng sayang nakikita ko mula rito.

'Yung akin kaya, nakikita nila? Nakikita kaya nila ang munting lungkot sa mga mata ko?

Pero wala namang magbabago 'diba? Hindi naman dahil nalaman kong ampon lang nila ako, ibig sabihin non ay magrerebelde na ako at hahanapin ko ang tunay kong mga magulang. Sa kanila pa lang, kuntento na ako. Masaya na ako. Dahil dito ako sa pamilyang ito lumaki.

"Teka, paano si kuya?" Tanong ni Yael.

Napatingin ako sa kanilang lahat at nginitian ko sila.

"Oh, anong gagawin ko? Mag-iimpake na ba ako?" Tanong ko. Napatawa naman sila at nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Lionne.

"Ken, hindi mo alam kung gaano ko gustong magpasalamat sa'yo. I want to thank you for everything." Sabi niya.

Humiwalay ako sa yakap niya at tiningnan ko siya sa mata niya. "Hindi mo rin alam kung gaano ako kasaya nang malaman kong ikaw ang tunay nilang anak. Dahil sa'yo, nagkaayos uli si nanay at papa. Lionne, you deserve to be with your own family." Sabi ko sa kanya.

Tumingin ako kina nanay, papa at Yael.

"Alam nyo, gusto ko sanang lumayas eh. Kaya lang sabi ng puso ko, dito na lang daw ako. Kasi, ang korni man pakinggan pero -- mahal ko kayo. Mahal na mahal." Sabi ko sa kanila then I give them my biggest and sincerest hug.

This is the happiness I want.

The genuine happiness I want.

~*~

"Saan ba kasi tayo pupunta? Alam mo sawa na ako sa mga pakulo mo ha. Baka nakakalimutan mong ni-reject kita?" Sabi ko kay Renz nang makalapit ako sa kanya.

Nandito kasi siya sa tapat ng bahay namin at naka-bike para sunduin ako. May pupuntahan daw siya at nagpapasama siya sa akin.

He chuckled, "Oo na, oo na. Ako na rejected. Ako na nasaktan. Happy?" Sabi niya. Napangiti na lang ako at umangkas na sa bike niya.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ewan ko ba rito, hindi sinasabi sa akin. Wag lang sana niya akong dalhin sa isang abandunadong lugar at ipakidnap ako. Naku. Ang dami ko nang naging problema sa buhay ko, wag na sana niyang dagdagan pa! Magpapakamatay na talaga ako!

"Kahit clue lang, Renz. Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita. Instead, ngumiti lang siya.

"Sa parang?" I asked him.

"Nope." Sabi nya.

"Sa mall?"

"Hindi rin."

"Sa plaza?"

"Nooope."

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now