Chapter Seventeen

600 11 7
                                    

Maddie: “Want me to replay that scene.?”

May kung anong nararamdaman  si Pauline dahil sa pagkakalapit ng katawan nila Maddie. Sinasabi ng utak ni Pauline na umalis at itulak si Maddie palayo pero may isang bahagi ng pagkatao nito na nagsasabing , hawakan din niya ang kaharap.

Maddie: “I know your aware that you’re beautiful…..” bulong nito.

Matamang nakatitig lang si Maddie sa mukha ng kaharap.

Maddie: “And I hate that Gala night, because there’s a lot of eyes looking at your beauty, Pauline.” Mas nilapit pa nito ang mukha sa mukha ni Pauline.

Napahinga ng malalim si Pauline dahil sa ginagawa ni Maddie.

Maddie: “And that night… Sa Bar you make my heart beating like crazy..”

Hindi alam ni Pauline kung anong pumasok sa isip niya. Basta naramdaman na lang nito na gumalaw ang sariling kamay at nilagay ito sa waist ni Maddie.

Mas nilapit pa ni Maddie ang mukha. Isang pulgada na lang ang pagitan ng labi ng dalawa. Bahagyang naiawang naman ni Pauline ang mga labi. Napangiti si Maddie dahil sa nakita.

Gumagana na ang imagination ni Pauline kung ano ang pwedeng mangyari………. Pero napataas ang kilay nito ng lumayo si Maddie.

Maddie:  “That’s what you did to me….. You left me hanging..” ngumiti ito ng nakakaloko.

Hindi alam ni Pauline kung ano ba ang nararamdaman, kung galit, panghihinayang o lungkot. Dahil pinaglalaruan ba siya nitong si Maddie.

Naalis ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Maddie ng makita ang matatalim na titig ni Pauline sa kanya.

Pauline: “I hate you….”magbigat ang pag-iling nito.“I hate you….” Nagtatakbo na ito pababa…

Maddie: “Shiiiiit….. PAULINE!!….PAULINE!!…..” tawag nito. Nais man nitong sundan ang babae ay naisip nito ang kaibigan na nasa taas.

******

Nicky : “Iwanan ko na muna kayo..” Naglakad na ito palabas ng kwarto.

Bea: “Salamat…. Garcia.” Hindi ito nakatingin kay Nicky.

Nicky: “Hmmmm.” Sumulyap muna  ito sa babaeng natutulog bago lumabas.

Nakasalubong naman ni Nicky si Maddie sa may pinto. Mukhang may iniisip si Maddie. Hindi man lang kasi nito napansin si Nicky.

Deanna: “Oh… bakit ganan yang mukha mo.?” Tanong nito sa kaibigang tumabi kay Bea.

Maddie: “Wala naman..” kumamot ito sa ulo.

Bea: “Nag away ba kayo ni Pauline.” Inaayos nito ang ulo ni Michelle.

Maddie: “Parang..” napahilamos ito sa mukha.

Deanna: “Ano bang ginawa mo?” diretso itong nakatingin kay Maddie.

Maddie: “Wala…hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko.”

Bea: “Your crazy..” tumingin din ito kay Maddie.

Deanna: “Ikaw din.” Ngumuso kay Bea.

Bea: “Ako?”

Deanna: “Oo.. kung ano ano kasi inisip mo kay Jia.” Umiling iling pa ito. “Hindi ka tuloy pinapansin…..Beh.” sabay dila.

FlowersVSFlowers Enigmatic Love (JiBea.JulDeann.PauDdie.NiChelle FanFiction)Место, где живут истории. Откройте их для себя