Chapter 5

31 3 1
                                    

Lumipas ang ilang araw at ito Christmas Eve na ngayon.

10 pm pa lang kumain na ko ng kumain. Mananaba ako pag ganito.

Spaghetti, Shanghai at Salad. Lahat ng paborito ko nandito.

Tunog ng tunog ang cellphone ko. Binalewala ko na lang kasi alam ko puro greetings lang yan at group message.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pag kain ko.

"Oy Jamilla, yung cellphone mo, I-turn off mo na nga. Kanina pa tunog ng tunog", sabi ni Ate Mich habang may katawagan sya sa cellphone nya.

Kinuha ko na nga ang cellphone ko na nasa ibabaw ng TV.

54 messages received.

Ang dami. Tinatamad akong magbasa. Tiningnan ko muna kung sino ang mga nagtext. Puro classmates ko, sina Becca at Bambi pati ang mga barkada ko.

Karamihan sa text ay Gm ng Merry Christmas.

May isang text ang pumukaw ng atensyon ko.

From Jasper:

Guys, si Xander isinugod sa ospital ngayon.

Kinabahan ako sa nabasa ko.

Tinext ko si Jasper.

To Jasper:

Bakit? Anong nangyari sa kanya?

From Jasper:

Bigla na lang syang nangisay tapos sumuka ng dugo. Nilabasan din ng dugo ang ilong niya.

Nagulat ako sa nabasa ko. Ayos pa sana yung sumuka lang. Pero yung sumuka ng dugo, mukhang malala yun.

To Jasper:

Grabe naman yung nangyari.Bisitahin na lang natin sya bukas.

Katext ko lang si Xander kaninang mga 9 pm pero wala naman syang nababanggit sa akin about sa nararamdaman niya.

So, ayun nagtext din ang ibang barkada at nag-aalala rin sila kay Xander.

Tumaas ang kilay ko sa isang nabasa kong text.

From Clark:

Merry Christmas, sungit :)

Di ko sya nireplayan.

Next day... (Christmas na)

Nagsimba muna ako with my family saka ako nagpaalam sa Ina na dadalawin namin si Xander.

Tinext ko ang barkada.

Nagkita-kita muna kami sa may palengke para bumili ng prutas.

(Hospital)

Nakita namin ang nanay ni Xander.

"Tita, ano pong number ng room ni Xander", tanong ni Jasper.

"304. Kagigising nya lang ngayon. Punta na kayo dun, may bibilhin lang ako", aniya.

"Sige po", paalam namin.

Sinubukan naming mag-elevator. First time namin ito kaya nasasano kami.

"Uy, baka di tayo makalabas dito ha", takot na sambit ni Amy.

"Akong bahala", sabi ni Jasper.

Ting!

At bumukas na ang elevator.

Hinanap na namin ang Room 304.

Pagbukas namin ng pinto, kasama ni Xander ang tatay niya. Only Child lang siya kaya alagang alaga siya ng magulang niya.

Nagmano naman kaming lahat sa tatay niya.

"Labas muna ako ha. Dito muna kayo", aniya.

"Opo", sagot namin.

"Kamusta na pakiramdam mo pinsan?", ani Jasper.

"Okay na naman ako. Nag-abala pa kayo", sabi ni Xander.

"Merry Christmas! Nagdala kami ng prutas. Ayan na ang Christmas gift namin sayo", sabi ni Amy.

"Salamat", sabi ni Xander sabay ngiti.

"Napano ka ba? Anong sakit mo?", tanong ko.

"Wala ito. Nanuno lang ako", sagot nya na medyo natatawa.

"Edi dapat sa albularyo ka nagpunta kung nanuno ka", biro ko.

"Mga patawa talaga kayo nuh", sabat ni Amy.

Nagkwentuhan lang kami at sabi ni Xander makakalabas na siya ng ospital within 3 days.

This is my regretsWhere stories live. Discover now