Hamla Ikat

57 2 0
                                        

Nakatingin ako sa bintana ng coffee shop na basang basa na ng ulan. Ipinapahinga ko ang aking mata mula sa pagbabasa.

Nandito ako sa coffee shop dahil dito ko prefer mag aral para sa board exams. Konting kembot nalang doctor na talaga ako.

Nagulat ako ng biglang may taong nagsusulat ng kung ano sa bintana ng coffee shop. Tiningnan ko kung ano yung nakasulat " Hamla Ikat."

Nang tiningnan ko kung sino ang nagsulat nakita kong ang boyfriend kong si Chris pala ang may kagagawan. Niyaya ko siyang pumasok.

"Hi Babe!" Sabi niya sabay halik sa cheeks ko.

"Hello Babe, Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko naman sa kanya.

"Binibisita ka. Nakakaistorbo ba ko?" Nakasimangot na tanong niya.

"Hindi naman. Actually nagpapahinga na nga ako." Sabi ko naman sa kanya.

"Kawawa naman ang Babe ko. Masyadong stress sa review." Naglalambing na sabi niya.

Inihilig ko nalang ang ulo ko sa balikat niya.

"Naalala mo ba ganito rin tayo noong nagrereview ka para sa board ng Nursing." Biglaang kwento niya.

"Oo nga, Pumupunta ka rin para icheck kung ok lang ako." Sagot ko nanan.

"Oo dahil alam kong ako ang stress reliever mo." Natatawang saad naman niya.

"Hoy, ang kapal mo ah." Sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Babe, you are the best thing that ever happened to me. You are my heart. In your arms I found warmth. Thank you for always being there for me." Seryosong saad niya habang nakatingin sa akin at hawak ang dalawa kong kamay.

"Naalala ko pa dati. Palagi mo akong binibigyang ng sticky notes na paulit ulit lang naman ang nakasulat. Puro "Hamla Ikat"." Kwento ko naman sa kanya.

"Oo tapos noong una ay nagalit ka pa dahil hindi mo maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin nun." Natatatawang saad niya.

"Dahil may pagka slow din naman talaga kasi ako dati." Sabi ko naman.

"Pero noong huli sinabi ko rin naman talaga ang ibig sabihin noon." Pagpapatuloy niya.

"Mahal kita. Yun lang naman pala ang ibig sabihin nun hindi ko pa talaga na gets kung hindi mo sinabi sa akin." Sagot ko ng nahihiya.

"Hamla Ikat. Ganyan talaga ako magsabi ng mahal kita." Sabi niya habang kinukurot ang pisngi ko.

"Naalala ko pa dati palagi mong nilalagyan ng long stemmed rose ang locker ko." Kwento ko nanaman.

"Tapos nung huli ay sinamahan ko na ng chocolates." Sabi naman ni Chris.

"Bakit hindi kanalang umamin sa akin noon?" Naguguluhang tanong ko.

"Dahil nahihiya ako at natatakot ang mareject mo." Pagkukwento naman niya.

"Kung hindi pa kita nahuling naglalagay ng long stemmed rose at chocolates sa locker ko hindi ka pa aamin." Pagpapatuloy ko habang tumatawa ng mahina.

"Kinabahan talaga ako noong nahuli mo ako akala ko magagalit ka sa akin." Tumatawa ring sagot niya.

"Ang tiyaga mo rin talaga sa akin, Babe." Sabi ko bigla sakanya.

"Dahil hamla ikat." Nakangiting saad niya.

"Hamla ikat rin." Sagot ko sabay yakap sakanya.

"Lets take a picture as part of our memories to look back at one day." Sabi ko sakanya.

"Ok, let me take the picture." Sabi niya naman at kinuha na ang phone ko from my hands.

Pagkatapos namin kumuha ng picture. Napansin kong tumila na pala ang ulan.

"Babe, tumila na pala ang ulan." Sabi ko sabay turo ng langit na maaliwalas na mula sa bintana.

"Oo nga no. Ano hatid na kita sa inyo?" Tanong naman ni Chris sa akin.

"Sige para makapagpahinga na rin talaga ako sa bahay." Tumatangong saad ko.

Iniligpit na namin ang mga gamit ko na nakalatag sa mesa. Ng matapos na naming ayosin ang gamit at bag ko ay tumayo na kami. Lumabas na kami ng coffee shop ng magkahawak kamay.

"Kukunin ko lang ang sasakyan ko sa kabila. Hamla Ikat." Nagulat ako ng yakapin niya ako.

"Hamla ikat rin. Ito naman parang tatawid lang eh." Natatawang inaasar ko siya.

Kumalas na siya ng yakap. At walang ano anong tumawid. Nabigla ako ng may marinig ako malakas na tunog ng sasakyan na pumipreno. Halos mabingi ako sa tunog.

Nakita ko ang pagbangga ng isang ten wheeler truck kay Chris dahilan
upang tumilapon ito.

"Chris!" Sigaw ko. Tumakbo na ako kung saan tumilapon ang katawan niya.

Pinuntahan ko ito at halos himatayin ako sa akin nakita. Grabe ang naging impact ng pagbangga kay Chris. Naliligo siya sa sariling dugo.

Dali dali kong nilapitan ang katawan niya at pilit na ginagawa ang first aid na alam ko bilang nurse. Kahit na hindi matigil tigil ang luha ko sa kakapatak.

"Tumawag kayo ng ambulansya, Please." Pakiusap ko sa mga taong nakakita ng aksidenteng nagyari.

Tiningnan ko ang pulso niya at halos mahimatay ako ng wala akong naramdamang pulso. Pilit ko siyang nirerevive.

"Chris gumising ka please. Chris wake up. Lumaban ka. Kaya mo to." Naiiyak kong sabi habang nirerevive siya.

"Chris, gumising ka please. Hamla ikat." Nawawalan na ako ng boses at lakas.

"Chris! Chris"

Nagulat ako ng magising ako ng umiiyak at pinagpapawisan. Tiningnan ko ang oras at ala una palang pala ng umaga.

Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto ko. Napanaginipan ko nanaman ang nangyari 3 years ago.

It has been 3 years since a patient first  died in my arms. That was the very first time I was not able to save a person.

It has been 3 years since my first love died.

It has been 3 years since Chris died. 3 years but it only seems like it happened yesterday.

Tiningnan ko ang picture na nasa night stand ko. It is a picture of Chris and me. Our last picture together taken at the coffee shop before the accident happened.

As I look closer in the picture. The picture was taken with the glass window of the coffee shop as the background.

The picture serves as the reminder of our last moment together. Side by side at a coffee shop remembering the old times. Memories of our love story.

Our love story that ended in a tragedy.

As I look closer in the picture and I can see words written at the window.

"Hamla Ikat"

Hamla IkatDonde viven las historias. Descúbrelo ahora