For Old Times' Sake

105 5 7
                                    

An entry for a contest. Lol.

Song: Kasalanan Ko Ba? by Neocolors

☆~☆~☆~☆~☆~☆~☆~☆

Unang pagtama pa lang ng aming mga mata ay gusto ko nang bumigay at magpatianod sa nararamdaman kong saya at lungkot. Gusto ko nang ipakita ang mga luhang matagal ko nang itinatago sa lahat at yakapin siya nang sobrang higpit nang sa gayun ay hindi na kami muling magkahiwalay.

Natagpuan na niya ako.

Nandito siya ngayon sa aking harapan na may malaking ngiti sa kanyang mukha pero kahit ano pang rason ang isipin ng utak ko para maging tama ang lahat pagnanais ko, alam kong mali ang nararamdaman ko.

“Tyron…” Pinilit kong ngumiti at pigilan ang pagpiyok ng boses ko. God, I miss him so much and I badly want to hug him but I can’t. Dahil yakapin ko man siya ay kailangan pa rin naming bumitaw, labag man sa kalooban ko. “Kailan ka pa bumalik sa Pilipinas? A-anong ginagawa mo dito?”

Binaba ko ang paintbrush na hawak ko at itinigil ko muna ang pagpinta ko para maibigay ko ang buong atensyon ko sa lalakeng hanggang pangarap ko na lamang.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa akin. “Dinadalaw kita.”

Iginala niya ang kanyang tingin sa buong studio ko bago bumalik ang titig niya sa aking mga mata. Mabilis akong lumingon sa ginagawa kong painting para lang maiwasan ang titig niya.

“So, natupad mo na pala na magkaroon ka ng sariling studio para sa mga paintings mo. I-I’m happy for you. Alam kong dati mo pang pangarap ito.”

Hindi ko napigilang ibalik ang tingin ko sa kanya dahil sa lungkot na naramdaman ko sa boses niya pero nang magtama ulit ang mga mata namin ay bigla akong nagsisi sa ginawa ko. Kitang-kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata at ang nagbabadyang luha sa gilid nito habang nakatingin sa kanang kamay ko.

Tinakpan niya ang kanyang mga mata gamit ang isang kamay niya at pilit na tumawa.

“Akala ko nagbibiro lang sila nang sinabi nilang kasal ka na. Akala ko naalala mo pa ‘yung pangako natin sa isa’t isa. Akala ko may babalikan pa ako dito kasi akala ko naghihintay pa sa akin ang mahal ko.” Huminto siya sa pagsasalita. Inalis niya ang kamay niyang balakid para makita ko ang mga mata niya at seryoso siyang tumitig sa akin.

“Akala ko lang pala ang lahat-lahat.” Aniya.

Nang makita kong kumawala ang isang patak ng luha galing sa mata niya ay halos gumuho ang mundo ko. Gusto ko din ipakita sa kanya na nasasaktan ako dahil hanggang ngayon, siya pa rin ang pangarap ko. Hanggang ngayon, siya pa rin ang laman ng pesteng puso ko. Pero ang singsing na damang-dama kong nakapalibot sa aking palasingsingan ang pumipigil sa akin para ipakita ang tunay kong nararamdaman.

“Tyron, I-I’m---”

Mabilis siyang umiling sa akin. “No, Lyra. Don’t apologize.” Pinunasan niya ang takas niyang luha sa kanyang mukha bago ngumiti. “Tanggap ko.”

Mas lalo kong gustong humagulgol dahil sa sinabi niya. Itinatago niya sa likod ng ngiting iyon ang pagkawasak niya at kahit alam ko ang katotohanan na iyon ay wala akong magawa. Wala na akong kapangyarihan na pulutin at ayusin bawat pirasong ako ang nagdurog.

For Old Times' Sake [One-Shot]Where stories live. Discover now