Hemos actualizado nuestras Pautas de Contenido.
Consulta las pautas más recientes para seguir compartiendo historias de forma segura.

1

588 14 1
                                        


"Habang buhay na ba talaga akong mag-iisa? Wala na ba talagang taong magmamahal sakin muli? Siguro nga." Napa-isip ka habang nkatingin sa langit.




Nasa sementeryo ka nun, binisita mo ang dating mong asawa. Isang taon narin siyang nawala sa buhay mo, isang taon na siyang nakalibing doon.




"Sana... buhay ka pa. sana... andito ka sa tabi ko kase miss na miss na kita. Joshua... hindi ko kayang mag-isa." Napatulo ang luha mo. Ilang oras ka din nakatambay lang doon, hangga't sa pawala na ang araw.



Naisipan mong tama na siguro to, kailangan mo nang umuwi. Kailangan mo ng... mag move on.

Lumakad ka pauwi. Nakatingin ka sa paligid mo at napansin mo na ang saya ng mga tao. "Buti pa sila. Ang saya nila."



Hindi mo nalang sila pinansin at patuloy kanang naglakad habang nakatingin sa lupa. Hangga't sa mauntog ka sa isang pader? Tumingala ka at doon napagtanto na hindi pala pader kundi sa isang matangkad na binata ka nauntog.




"Sori. Miss okay ka lang?"


Nabighani ka sa tangkad nito at sa kanyang itsura.


"Miss?"


Natauhan ka at napasagot. "O-Okay lang ako."


Nakangiti lang siya sayo.


"Magdahan-dahan ka baka hindi na tao ang masalpak mo. Sige.. Alis nako." Payo niya sayo at umalis.

Tulala ka parin hanggat sa ang layo na niya. biglang nagtibok ang puso mo.

Napahawak ka doon. "Teka... ang dali atah nito. Hindi ko pa nga siya kilala. Pangalan niya nga hindi ko alam. Bat ba tumitibok puso ko?"






"Sino kaya siya?"

Carrot Tales (Seventeen Imagines)Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora