Chapter 2••Another Demon

40 13 1
                                    

Third Person's Point Of View

Chapter 2

---

     "Santi naman. Alam mo namang di kaya nung tao, pinilit mo parin. Nasugatan na nga yun, sinesante mo pa?! My god! Demonyo talaga yang ugali mo." Singhal sa kanya ng bakla nyang assistant. Napairap nalang sa hangin si Santi at tiningnan si Rihanna.

         "Ri, its for his good. Ayaw mo nun, hindi na sya mahihirapan sa mala demonyong ugali ko." Sarcastic namang sagot sa kanya ng lalake at inemphasize pa ang salitang demonyo.

         Kahit boss si Santi at assistant lang si Rio (Rihanna) ay close sila. Simula ng mamulat sila sa mundo ay naging mag bestfriend na sila. Alam rin ni Rio na isang Demi-Demon si Santi. Walang pake si Rio dun dahil sa nililigtas naman sya ni Santi sa mga nananakit sa kanya gamit ang demon powers nya.

Demonyo ang ama ni Santi habang isang normal na tao naman ang kanyang ina. Half human, half demon si Santi, sa madaling salita. Namatay ang kanyang ina sa panganganak sa kanya habang ang ama naman nya ay hindi na nya muling nakita. Mayaman na nuon pa ang kanyang ina, sa kanya ipinamana ang lahat. Ang abogado nila na si Mr. Cruz ang nag aruga sa kanya, magpa sa hanggang ngayon. Minsan nga natatawag na nyang papa si Mr. Cruz. Wala rin kasing pamilya si Mr. Cruz kaya si Santi ang pinagtuunan nya ng pansin. Alam rin nito ang pagka demonyo ni Santi.

         "Anong oras na, sasama ka ba sakin? Dun sa dating gawi. Ano?" Alam ni Rio na hindi matitiis ni Santi ang paborito nitong bullalo. Tiniklop muna ni Santi ang breifcase nya at tumayo. Saka sila lumabas ng kompanya.


---

       Ng makapasok sa palagi nilang kinakainan na bullalo ay si Rihanna na ang nag order. Habang nakaupo naman si Santi sa table na naukupa nila.

      Nagmasid masid sa labas si Santi, maraming establishimento sa maynila. Di mo man masasabing masagana dito sa lungsod pero masaya naman kahit papaano ang mga tao. Yung iba, nakangiti, yung iba walang emosyon lang, yung iba naman nagtatawanan. Napako sya sa kinauupuan ng madako ang tingin nya sa isang babaeng palingon lingon.

Mukhang may hinahanap ito, sa tansya nya... hindi taga dito ang babae dahil ibang iba ang suot nito kumpara sa tiga lungsod na tulad nya. Faded jeans, t shirt na may mga grasa, at pinatungan lamang ito ng babae ng Red jacket.

Sino ba to? Tanong ng lalake sa sarili. Wala syang pake sa babae pero parang may magnet ito na naghihila ng atensyon sa kanya. Sa di inaasahan ay napalingon sa kanya ang babae, nagtama ang kanilang mga mata. Saka nya nakita ang mata ng babae, iba ito sa mata ng mga normal na tao. Itim man ang mata nya, parang may pula itong tuldok na pag tinitigan mo ng maayos, dun mo lang mapapansin na may pulang tuldok sa gitna ng dalawang iris nya.

Isang demonyo! Napasigaw sa isip nya si Santi. Hindi sya pupwedengmagkamali, iba man ang mata ng babae sa mata nya bilang demonyo ay siguradong sigurado syang demonyo itong babae. Hindi nya lubos akalang may kauri sya. Akala nya nag iisa lang sya dito sa mundo bilang demonyo.

      Kamuntikan ng lumabas ang nag iisang sungay nya kaya naman pinigilan nya ang sarili. Nasa publikong lugar sya at hindi pwedeng maisiwalat ang kanyang sekreto.

         "Oh, natulala ka yata, nangyare sayo?" Sabay tapik sa kanya ni Rihanna sa balikat. Nabalik ang ulirat ni Santi at napatingin kay Rihanna.

Demon With A HaloWhere stories live. Discover now