Chapter 1••Attacked

74 13 1
                                    

Kitty's Point Of View

Chapter 1



         "Eto boss oh." Sabi ni Daemon sabay tapon ng ulo ng isang lalake sa harap ni Boss. Napangiti naman si Boss at napapalakpak pa dahil sa walang sugat o galos ang ulong yun. Ulo na gustong gusto ni Boss

         "Nasalakay na ho namin ang Kanluran, yan ho ang regalo namin sa inyo." Sabi ko at tiningnan si Daemon. May ngisi parin sa mukha nito kaya napangisi na rin ako. "Kung kulang ho sa inyo may isang buong karwahe pa ng katawan sa labas." Dugtong ko pa dahilan para mas lalong mapangiti si Boss.

        "Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa inyong dalawa." Sabi nya at nagsimulang balatan ang ulong iyon hanggang sa makuha nya ang preskong utak.

Lasap na lasap nito ang lasa ng utak dahil kahit ako natatakam. Pero busog pa naman ako, habang naglalakbay kami pabalik dito sa kuta ay may nginangat ngat kami ni Daemon ng paa ng tao.

        "Babalik na po kami sa kwarto nmin." Pagpapaalam ni Daemon na tinanguan ni Boss. Sumunod ako kay Daemon papunta sa kwarto namin dito sa kuta.

Ng makapasok sa kwarto naming dalawa at tiningnan ko agad si Daemon. "Bakit ba kasi hindi natin pwedeng sabihin na may isang nakatakas? Bwisit!" Singhal ko agad sa kanya.

       "Kitty, isipin mo, kapag sinabi natin yun kay Boss sa tingin mo masisiyahan sya?"

         "Eh pano kung nasundan tayo nun?! Mag isip ka rin! Baka magising nalang tayo dito na sinusunog na ng sangkatauhan ang buong kuta natin." Naihampas ko pa sa kama ang sinuot kong jacket kanina at naramdaman ko agad ang paglabas ng dalawang sungay sa magkabilang nuo ko.

Palatandaan na lumalabas na ang pagka demonyo ko dulot ng inis. Ikakapahamak naming lahat ang pagbabaya namin ni Daemon, maaring maging dahilan yun para matuklasan nila ang aming pinagtataguan. Hindi lang kaming mga demonyo ang may utak kaya susundan nila kami nun at ipagkakalat ang aming kuta. Na may mga demonyong namumuhay sa ibabaw ng lupa upang manira ng sangkatauhan.

       "Then keep yourself alive!" Hinawakan ako sa balikat ni Daemon at tinitigan sa mata. Ang kanyang mapula pulang iris ay nakaka kalma sa kung sino man ang titingin dito. "Kitty, if something happens, tumakas ka, alam mo kung saan ka lulusot hindi ba? Alam mo ring hindi lang tayo ang demonyong nandito sa lupa, hanapin mo sila at tipunin upang gumawa ng panibagong hukbo. Hindi tayo pwedeng maubos. Balang araw maiintindihan mo rin, Kitty." Sabi nya at pumasok na sa banyo pero bago iyon ay hinalikan nya ako sa nuo.

Daemon were my bestfriend, since we grow up. Sabay kaming nag ensayo, namulat sa mundo. Na mga demonyo kami at dapat lahat ay matakot sa amin. Mahirap maging demonyo lalo pa at pinandidirian ka ng lahat, pumapatay at kumakain ng laman.

We cant help it! Ano bang magagawa nila eh ganito na kami. Simula't sapul hindi naman nila kami matutulungan para magbago. Tao lang sila, kami may kapangyarihan para pamunuan sila.

Kung tatangkain naming lumapit sa kanila at humingi ng
tulong bakit mababago ba nila ang pagkatao namin? Ang paningin ng lahat sa amin? Ano bang kaya ng isang tao na sa teknolohiya lang naman umaasa?

       Humiga nalang ako sa kama na pareho naming hinihigaan ni Daemon. Ipinikit ko ang mga mata ko, kasabay nun ang pagkawala ng mapula kong sungay, simbolo ko bilang isang demonyo. Ano nga bang ibig sabihin ni Daemon?

Inaasahan na ba nya ang mangyayare? O plinano nya ang dapat mangyare?



Nakakatakot, lalo na kung hindi mo manlang mabasa sa isip ang sinasabi nya.


Demon With A HaloWhere stories live. Discover now