Chapter 3••Eyes on us

38 13 1
                                    

Kitty's Point Of View

Chapter 3

---


         "Tres ano ba?! Dalian mo nga!" Reklamo ko ng makitang nagpahinga pa ang bwisit sa isang eskinita.

       "Putrigas, kanina pa tayo takbo ng takbo di manlang tayo nagpahinga!" Balik sigaw nya at muling pinahinga ang paghinga.

Napairap nalamang sa ako sa kanya at nagmasid sa paligid. Ng walang makitang tao ay iniwan ko dun si Tres at tumakbo ng tumakbo papalayo sa bangko na yun.

Nagnakaw kami ni Tres, para sa sari-sariling pan sustansya namin dahil ayaw naman naming magtrabaho kasi may misyon kami. Ilang araw na ang lumipas simula ng maghiwalay kami ni Daemon.

At sa tatlong araw na paghahanap ko sa mga kapwa demonyo ay nahanap ko sina Star at Tres. Sinabi ko sa kanila ang plano kaya naman humiwalay sa amin si Star upang maghanap ng iba pang kapwa.

Kaming dalawa ni Tres ang naghahanap ng pera para may pambili kami ng mga dekalibreng armas sa pinaplano naming pagsugod. Malaki laki ang lugar na to kaya ke-kelanganin namin ng marami raming myimbro.

        Natigil ako sa pagtakbo ng makarinig ng napakaraming yapak. Nagtago ako sa isang pader at pinakiramdaman sila. Bwisit na Tres yun di parin sumusunod sa akin. Bahala sya, hanapin nya ako kung gusto nya.

        "Ano nakita nyo? Nandito lang yung dalawang yun!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Parang sya yung gwardyang binugbog ko kanina bago pasukin ang bangko. Mukhang namukhaan nya kami.

  

       Ng makalayo sila ay tumakbo ako ng tumakbo pero narinig ko silang sumigaw sa likod ko. "Sya yun! Sya yun! Habulin nyo sya!" Nalintikan na.

Napalingon ako at may tatlong pulis na ang humahabol sa akin. Bwisit mukhang makukulong pa ako sa ngayon. Kaya ko naman silang talunin gamit ang kapangyarihan ko pero sadyang pinaghahandaan ko ang pagsugod kaya hindi ko muna ito gagamitin. May limitasyon kasi.

       "Lubayan nyo akooo!" Mariin kong sigaw at mas binilisan ang pagtakbo. Kahit anong gawin kong bilis ay naabutan na nila ako.

Abot kamay na nila ako ng may biglang humugot sa akin papasok sa isang pinto. Tinakpan nito ang bibig ko at hinayaan muna ang mga pulis na makaraan dito sa pintong pinasukan namin.

Ng hindi na makarinig ng mga yabag ay binitawan na nya ako. Si Tres lang pala.

        "Bat mo ba kasi ako iniwan?!" Singhal nya at lumabas sa pinto. Ng masiguradong wala ng tao ay hinila na nya ako paalis.

Saka kami umuwi sa tinutuluyan naming bahay.


---

Ng tuluyang makarating kami sa bahay ay agad akong napahiga sa sofa. Sinong hindi matatired na takbo ka ng takbo ng ilang oras?!

  Umupo naman sa harap ko si Tres at hinarap ako. Saka ko napansin na lumalabas ang sungay at namumula mula ang mata nya. Naiinis ba to saken?

       "Problema mo?" Bored kong tanong at pumikit nalang para hindi ako mabanas sa nakakabwisit nyang mukha.

         "Alam mo... kanina ko pa to nararamdaman eh." Sabi nya kaya napamulat ako. Umupo ako sa sofa at muli syang hinarap saka tinanong kung ano ang nararamdaman nya. "Kasi.. bigla akong kinabahan.." nag pasuspense pa ang gago kaya inakma kong ihahampas sa kanya ang unan kaya ngumiti nalamang ito. "... yung feeling na kumukulo ang tyan mo, nanghihina ka sa sobrang gutom."

Demon With A HaloOù les histoires vivent. Découvrez maintenant