cHAPTER 16: tHE gIRL for You

109 5 3
                                    


Gela Pov

" Kumain kana Ma." Sambit ko kay mama na nakaupo sa hapagkainan. Malalim parin ang kanyang iniisip dahil sa nangyari kahapon.

" Pasyensya kana anak kung pati ikaw ay nadadamay sa problema ko. Dapat.. sa pagaaral lang ang atensyon mo at hindi sa mga problemang hinaharap ko at ng papa mo bilang magulang." Malungkot na sabi ni Mama.

" Ma... hindi naman pwede iyon. Pamilya tayo. Dapat nagtutulungan." Sambit ko at ngumiti sa kanya.

" Kailangan akong magpasalamat sa lalaking iyon na sumalba sa ating bahay.. dahil sa kanya ay may masisilungan tayo anak..." sambit ni mama.

Hindi ko akalain na magagawa yun ni Kamahalan. Malaki ang dapat kung ipagpasalamat sa kanya. Ginantihan niya parin ako ng kabutihan sa kabila ng masamang palilitungo ko sa kanya.

" Imbitahan mo siya anak na dito maghapunan. Kahit papano nais ko namang makapagpasalamat ng personal sa kanya. " Sambit ni mama.

Tumango ako at kumain narin ng agahan.

Sa School

Maaga akong pumasok para mas maaga kong makita si Ghenrex. Iimbitahan ko siya ng personal at para naman malaman ko kung available ba siya. Hindi kasi siya nagtext. Hindi sa hinahanap o inaantay ko ang text nya ha. Naku!

Pumunta ako sa classroom niya at hinanap siya ng tahimik. Sumilip ako sa maliit na pagkakabukas ng pinto.

" Baliw ka talaga... hangang kailan ba ako magiging -... Oo na. Im doing well. Everything is according to plan. She seems clueless." Narinig kong sabi ni King habang nakatalikod. May kinakausap siya sa kanyang cellphone.

" too bad she and her f8cking bastard brother messed with my family. She is a nice girl though. Such a waste." Sambit pa nito at iiling iling.

" Yeah... I am. Nominate me in the Oscars. Yeah. F*ck you too." Sambit nito at ibinaba ang cellphone sabay lagay sa bulsa nito.

I have this weird gut feeling I am connected to what they are talking about. Oh talagang assumera lang ako?

Biglang humarap si King at nagulat siya ng makita ako pero mabilis ding nagbago ang mukha niya at nakapaslak na naman ang ngisi sa kanyang labi.

" Oh Hi wife! How's my competitor? Inalagaan mo ba?" tanong niya.

" Uhm... yan nga ang pinunta ko dito. Gusto kong malaman kung nasaan siya at kamusta siya." Sambit ko sa kay king.

" Namumuro kana. Pinagbigyan ko lang ang bestfriend ko. Pero doon na magtatapos yun. Ako naman ang pagbibigyan mo ng alaga." Sambit niya na nagniningning ang mga mata.

" Tigilan mo ako King ha. You look fine. Hindi mo kailangan ng alaga." Sambit ko at lumapit sa kanya.

" Nasaan nga pala si Kamahalan? May sasabihin ako sa kanya." Sambit ko.

" He's with his braty b8tch of a fiancee." Kaswal na sambit ni King.

" Yung Bianca?" tulala kong tanong.

Nagulat naman ang mukha ni King at niningkit sa akin ang singkit niyang mata.

" How did you know her name?" tanong niya sa akin at umupo sa mesa.

" nasabi niya sa akin nung nandoon ako sa bahay niya para gamutin siya." Sagot ko.

" Oh okay. Mabuti nalang hindi ka naabutan ng fiancee niya.....dahil baka nilalamayan kana ngayon.Sobrang selosa yun at makitid pa ang isip." Sambit ni king at napailing iling pa.

Say I Love You and You are DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon