Chapter 12: Annoying

254 9 0
                                    

GELLA POV

Nagising ako sa pagtunog ng alarm mula sa alarmclock. 5:00 am pa lang. Kinusot ko ang mata ko at sinanay ang mata sa liwanag.

Umalingawngaw ang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon sa side table.Sino kaya ang magtetext ng ganito kaaga? Napatingin ako sa number ng sender. Pamilyar ako dito... kung hindi binura ng asungut na yun, edi sana hindi ako maghihirap ng ganito.

Binasa ko nalang ang nakasulat.

" Morning sis. How's Mom?" 

Mapait akong napangiti. Si Kuya Bran pala. ILang araw na hindi siya nagparamdam... well nasanay na din naman ako kasi nangyayari to palagi kapag nagkasugatan suna Kuya at Dad.

Hindi naman ganito dati. Masaya naman kami dati eh. Kompleto kami dati. Buo kami dati. Nagsimula lang ito ng bumabagdak na ang kompanya ni Daddy at nalaman namin na may babae siya. Hindi naging sapat si Mommy. Hindi kami sapat para kami lang ang mahalin niya. Tsk. Ano bayan! Naiiyak ako. Kay aga aga nagdadrama ako dito!

Sininghot ko nalang ang lungkot na namumuo at nagtipa ng reply.

AKO:

morning Kuya! Namimiss na kita! Huhuhuhuhu... kailan ka uuwi? MOM'S not fine... hope you could be here to make her feel better.

Kaagad na nagreply si Kuya.

KUYA Bran

Ako din sis. Sige pupunta ako mamaya. I miss you and mom. Dont tell mom, i will surprise her.

Nagliwanag ang mukha ko sa kaligayahan. Yes! Uuwi si kuya! Naghanda na ako para pumasok sa skwela.

Pagkatapos kong magalmusal at magpaalam kay mama ay diretso na ako sa labas.

Naramdaman kong may nagvibrate ang cp ko. Baka nagtext si Kuya.

Unknown Number

morning Sweetheart. How's your sleep?

Nanindig ha naman ang balahibo ko. Ayan na naman ang sweetheart!

Tsk! Ayaw ko nalang pansinin baka mamaya maslalo pang masira ang araw ko. Dapat positive vibes dapat!

Lumabas na ako ng bahay.

"Finally!. Good Morning Sweetheart!" Biglang may nagsalita.

Nanlaki ang mata ko ng mapalingon ako sa gilid ng gate namin. Nakasandal si Asungot.  Mas nangibabaw ang kaputian niya dahil sa suot na V neck red shirt at saka plaid black and gray na jacket. Naka  ripped faded jeans at may dogtag pa siya na nakasabit sa leeg at diamond earings sa kanyang tenga. Para siyang model na naging background ang gate namin.  Kahit may benda siya sa kamay ay litaw parin ang kagwapuhan ng isang to.

Tssss.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

" Ah... waiting for my sweetheart to come out  and drive her to school." Nakangisi pa niyang sagot. Habang naglakad papalapit sa akin.

Ayan na namang sweetheart na yan!

" Tigilan mo nga sabi ang kakatawag sa akin ng sweetheart! Nakakapangilabot! Nakakasuka pakinggan! At huwag kang magpasweet dyan dahil nakakadiri! May pa drive drive kapang nalalaman! Tss."  sagot ko sa kanya.

Napansin kong nawala ang ngisi niya sa sinabi ko.

" Did you know that I woke up earlier than I normally do  just to be here? I let the mosquitoes bite me for hours just to wait for you ,Then you'll say those to me? " galit niyang tanong. Nangangapoy at tumatalim na naman ang mga mata niya sa akin.

Say I Love You and You are DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon