Matagal na tayong magkaibigan
Palaging nagtutulungan
Sa bagyo man o ulan
Walang iwanan.
'Di man nagkakaintindihan, minsan
Tayo parin ay nagpapatawaran
Sapagkat ika'y mapagkakatiwalaan
Tapat at totoo kong kaibigan.
Pagkakaibigan, ang siyang tunay na makapangyarihan.
Kahit tayo'y 'di magkitaan
'Di kita malilimutan
Sapagkat ikaw ay mahal ko, magpakailanman.