CHAPTER 39

724 22 0
                                    


Demon P.O.V

Nandito kami ngayon sa dorm kakatapos lang ng laro namin kanina nag sunset na lang hindi pa mi tapos kaya heto pagod dahil sa mga dare at takbuhan.

"Wwhaaaaa, bwesit talaga yang Ian na yan mapapatay ko talaga ang lalaking yun pag nakita ko yun" natatawa na lang kami sa reaction ni Lex.

"Ughhhhh, like what the fck, bakit niyo ba ako tinutulak sa kanya, eh ayaw ko nga sa kanya diba, his a fcking playboy!" Tawa parin kami ng tawa.

Ang isang lesbian bagay na bagay talaga sa isang playboy.

"Bagay kaya kayo Lex" sabi ni Sheena habang kumakain ng popcorn.

"Anong bagay! kadiri kamo" tapos bigla na lang siya pumunta sa kusina at kumain na lang. HAHAHAHHAHA pikon.

"Sheena labas muna ako" paalam ko dito at tumango lang naman siya. Lumabas na ako at agad pumunta sa dorm ng mga boys.

Ok pa naman pumunta doon basta babalik sa dorm pag curfew dahil may mga guard na mag lilibot ng dorm building sa oras na ng alas 10 ng gabi.

Pumasok ako ng deretso sa dorm nila baste na wala ng katok katok. Pumupunta naman ako dito dati pag boring sa dorm.

Nakita ko silang naka topless kaya agad tumaas ang kilay ko. Agad nakapansin ay si Nathan na agad pumunta sa kwarto niya habang si Mikko ay nagtataka bakit ito nagmamadali ng tumingin ito sa akin kaya agad ding tumingin si Mikko sa direction ko at agad ng laki ang mga mata at tumakbo papunta sa kwarto niya.

Ayaw na ayaw ko talagang nag to-topless sila na naka on ang aircon. Last time ay nakatikim sila ng sampu-sampung batok galing sa akin dahil hindi sila nag dadamit.

Nakita kong nanunuod ng tv si Troy na naka topless din at si Baste na nag babasa ng libro at tumitingin din sa tv.

Lumabas na si Nathan sa kwarto nito na naka damit na pati na rin si Mikko.
Agad akong ngumiti sa kanila na alam kong nagets nila ang ibig kung sabihin.

Ingat akong pumunta sa likod ni Baste at Troy na magkatabi lang at agad silang kinurot sa mag kabilang teynga.

"Aaahhhhhh, fckk!"

"Fck, ang sakitt!"

At agad silang tumingin sa akin na galit ang mukha pero tinaasan ko lang sila ng kilay.

"Ano? Angal kayo?"

"Tss." Tapos tumayo na si Baste at pumunta sa kwarto nito. Habang si Troy ay sa sala na nag bihis dahil nandoon lang din naman ang t-shirt niya.

"Kay lamig ng aircon tapos nag huhubad kayo ng t-shirt, sana sinabi niyo sa akin na gusto niyo magkasakit para ako na mismo gagawa ng paraan" tapos nag walk out na ako papunta sa kusina.

Routine na yata sa akin na mag luto pag pumupunta ako dito. Nakita kung pumasok si Baste sa kusina na ang pula ng teynga.

"Sorry" sabay bigay ko ng peace sign sa kanya.

"Tss. Ano ang lulutuin mo" deadma ang sorry ko. So sad.

"Well hindi ko pa alam, ano ba gusto niyo?" Agad din pumasok ang iba dito sa loob para manuod.

"Demon yung adobo ulit ang sarap kasi" sabi ni Nathan.

"Ano ba, iba nanaman yung bago" tutol ni Mikko dito.

"Chicken curry" napatingin kami kay Troy ng magsalita ito.

"Oh, ano gusto niyo yun?" Tanong ko sa kanila. Nag kibit balikat lang si Baste at tumango naman ang dalawa.

"Alright, Baste mag bihis ka na, mag luluto na tayo" agad ko ng sinuot ang apron ko pati na rin si Baste.

Kami talaga ni Baste ang nag luluto dahil gusto niya din matuto mag luto medyo magaling din siya at fast learner. Habang ang tatlo taga supoort lang at titig.

Kaya nag hiwa na kami ng ingredient at nag simula ng mag luto.

***^^***

"Mikko mag handa ka na ng mga plato, kutsara at tinidor. Nathan ihain mo na ang kanin. At troy yung mga inumin at mga baso" utos ko sa kanila para makakain na kami. Habang kami ni Baste ay nilalagay na sa plato ang ulam namin. At nilapag sa mesa.

"Okk, wag muna kayo kumuha pray muna tayo, Troy ikaw mag lead" tumango lang ito at pumikit na. Pumikit na rin kami at nag hintay sa sasabihin niya.

"Lord God, thank you for the blessings you gave us everyday. For protecting us and make our Demon back in our life. Sana po wag na siyang magbago at malayo sa amin. Amen." Atsaka kami ng sign of the cross.

"Ako talaga ang main doon ha" sabi ko dito at kuha ng kanin at ulam.

"Why? Muntik ka ng sumuko sa amin kung hindi kami lumapit baka malayo ka pa sami" sabi nito.

"Sorry" sincere kung sabi sa kanilang apat.

"No need Demon alam naman namin, yung nararamdaman mo, hindi kami manhid pag dating sayo Demon" ang sweet talaga nila pag kami kami lang. Pero pag may dumagdag tumitikom ang mga bibig nila sa pagiging sweet.

"Wala talagang tatalo sa tandem niyong dalawa sa pag luluto" at binigyan kami ng thumbs up ni Nathan. Kaya natawa na lang ako.

"Oi, pag ka tapos nito nuod tayo ng movie" bigla kung sabi.

"Sige, ano gusto mong genre"

"Syempre romcom ano pa ba" sabi ko sabay tawa ng mahina.

"Tss. Puro ka naman kilig ibahin mo" palagi na lang kuntra si Baste sa gusto ko. Bwesit.

"Sige yung action na lang para may dating" kaya tumango na sila.

Pagkatapos namin kumain ay nag ligpit na kami si Nathan ang taga hugas, si Mikko ang taga linis ng lamesa, si Troy yung nag hahanda sa snacks namin mamaya at kami ni Baste ito nag hahanap ng movie.

"Ito oh maganda daw" sabay bigay niya sa akin ng tape. Action movie na may halong magic. Well mukhang maganda. Kaya nag arrange na kami at pinasok ang cd at umupo na kami sa mga pwesto kami na may tig-iisang plato sa kamay.

At hinintay magsimula ang movie. Kita ko sa kanilang mukha na nag eenjoy sila sa pilekula na napili namin ni Baste. Habang ako ay unti unti ng pumipikit ang mga mata ko kaya nilagay ko muna ang ulo ko sa balikat ni Baste para gabay na lang din sa ulo ko. Sa kaligitnaan sa movie ay bigla na lang ako nakatulog dahil sa inaantok na ako.

—————
DONE

PLSSS...

VOTE AND COMMENT


--»»White Academy««--Where stories live. Discover now