Mr. AirRogant

4 0 0
                                    

Lian's pov

Miss! Look out! "

Anong look-
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil huli na ang lahat.

Wala na bang mas imamalas pa ang araw na to?

"Aray na man!"
Impit na sigaw ko matapos akong daganan ng kupal na unggoy na to! Hay naku na man!
Agad naman akong umupo mula sa pagkakahiga ko di man lang ako inalalayan.

"Mister! Sa susunod kasi wag kang maglalaro sa hallway."

Reklamo ko ng hindi naka tingin sa kung sino man ang kausap ko, nagpapagpag kasi ako ng damit ko na narumihan ng dahil sa kapalpakan ng taong ito.

"Hoy miss! Ikaw yung naka harang sa daan at hindi ko na kasalanan kung nabangga kita. Sinabihan na man kita na tumabi ka pero di mo naman ginawa kaya ayan."

Naging tugon ng lalaking nakabangga sa akin. Naku naman! Nuknukan pala ng yabang itong unggoy na 'to feel ko ang pangit nito. Kasing gaspang ng ugali niya ang mukha niya.

Dahan dahan ko na mang hinarap yung lalaking kupal na pangit na sumobra yung yabang at— at

*gulp

Mali ako...
Binabawi ko na ang sinabi ko, sige na, pwede na , hmm shet! Ang gwapo ni kuya. May girlfriend na kayo 'to? Pwede ko kaya siyang ligawan?

What the?! Snap it out lian, galit ka diba? Galit ka sa mayabang na yan! Tama galit nga ako.

"Miss, sara mo yang bibig mo baka pasukan ng langaw. Alam kong gwapo ako pero sorry miss may girlfriend na ako."

Saad nito kasabay nun ang mga mumunting tawa mula sa paligid namin. Di ko man lang namalayan na marami na pa lang tao ang nakapaligid samin at nakikiusisa sa nangyari. Pero medyo masakit.. may girlfriend na si kuya at wala akong pakialam.

Hay! Nakakahiya na ito!
Agad na man akong tumayo at hinarap siya.

"I don't care if you already have a girlfriend, pero sa tingin ko nahihirapan na siya sayo kasi ang hangin mo! Alam mo ba yung salamin? Try mong gamitin baka magising ka at makita mo yung totoong ikaw."

Saad ko, sabay walkout , mahirap na baka habulin pa ako nun kita ko sa mukha niya na hindi maganda ang mangyayari kung hihintayin ko siyang sumagot , ayokong gumawa ng gulo at maparusahan sa unang araw ko rito.

——————-
Andito na ako ngayon sa classroom namin para sa unang klase ko, buti na lamang at naka salubong ko si Dim at Kristel kaya nakisabay na ako sa kanila.
Tahimik lang akong nakaupo habang panay na man ang sulyap sa akin ni Dimitri. Alam kong binabasa niya na kung ano ang iniisip ko ngayon pero hinarang ko siya para di niya magawa yung gusto niya hanggang sa.

"Bakit ang tahimik mo?"

Tanong nito.
Patay kang Lian ka!

"Ah— eh wala! O-okay lang ako."
Nauutal kong sagot. Hay! Lagot! Di pa naman ako marunong magsinungaling.
Pero wala akong narinig na tugon kay Dimitri kaya napatingin ako sa kanya. Tiniyitigan niya ako sa mata kaya di naman ako nagpadaig hanggang sa ako na mismo yung sumuko.

"Fine! I'm not okay! I got lost and it's a bad idea na mag isa lang ako dito na hindi ako pamilyar sa mga lugar. Fine! I got it! I learned my lesson at hindi na ako uulit."

Litanya ko.

" may di ka pa sinasabi Lian."

"Hala! Patay ka sa pinsan mo Lian." Pananakot pa ni Kristel sa akin. Naku, kung hindi lang to mahal ng pinsan ko baka natapunan ko na to ng libro.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Transcend World: The Elemental SpiritsWhere stories live. Discover now