undercover

20 2 0
                                    

Isha?! Asan kana ba?!

Heto ako ngayon sa library at aligagang naglalakad ng paulit-ulit.
Nalibot ko na ata ang buong library pero wala parin akong Isha na nakikita..

No! This is not happening...
Hindi pwede to!
Sabi ko na lang sa isipan ko.

"Miss? May problema ka ba? Pansin ko kasi na kanina ka pa ikot-ikot dito sa library? May hinahanap ka ba?"

Napalingon naman ako sa babaeng kumakausap sa akin.
Pero ang mas higit na nakakuha ng aking pansin ay ang name plate niya.

Lia Rizal

Basa ko sa aking isipan.
Siya nga yung dapat na hahanapin ko.

"Yes...I'm looking for my friend.."

I said as I try to smile.

"Ah? Ganon ba? Sigurado ka ba na dito siya pumunta?"

Paniniguradong tanong nito sa akin.
Tlaga bang siya ang nakakita kay Rielle? Parang hindi naman siya nag-aalala base sa mga kilos niya.

"Ahm? Ikaw si Lia Rizal diba? May nakapagsabi kasi sa akin na ikaw raw ang huling nakakita kay Rielle Mendoza?"

Hindi na ako nakapreno sa mga sunod sunod na tanong ko sa kanya.
Hindi narin ako nagulat sa naging reaksiyon niya.
At base doon mukhang may alam nga talaga siya. Pero kung wala siyang alam maaring namataan niya nga rito si Rielle ng gabing bago ito mawala.

"Let's not talk about it here."

Halos pabulong lang niya itong sinabi at iniangkla niya ang kanyang braso sa braso ko na siya namang ikinagulat ko ng husto.
Hindi narin ako pumalag ng walang pasabi niya akong hinila palabas ng library at dinala sa isang tagong parte ng akademya.
Agad naman siyang bumitaw sa pagkakahawak sa akin at hinarap ako.

"Sorry, hindi na kita napagsabihan kung saan kita dadalhin."

Hinging paumanhin nito.
Hindi na ako nagsalita pa sa halip binigyan ko na lang siya ng isang matamis na ngiti at tumango.
At mukhang naintindihan niya rin ang gusto kong ipahiwatig.
Agad naman siyang naupo sa isang bench kaya sumunod narin ako.

"Tungkol doon sa nakita ko.... "

Panimula nito sa kanyang sasabihin, bakas sa boses niya ang pag aalangan at pangamba.

"Ituloy mo lang makiKinig ako."

Tanging ito na lang ang nasabi ko sa kanya, bahagya niyang itinaas ang kanyang mukha at humarap sa akin at ngumiti.

"Wala naman talaga akong nalalaman tungkol sa mga estudyante na nawawala dito sa Akademya.
Nagkataon lang na nakita ko si Rielle mendoza na nagmamadaling pumasok sa Library."

Pagsasalaysay nito.
Hindi na ako nag salita para maituloy niya ang pagkukwento sa kanyang nakita.

"At hindi lang si Rielle Mendoza ang nakita ko... lahat ng mga nawawala ay namataan ko sa Library... Isa kasing akong scholar ng Akademyang ito at bilang kapalit nito ay ang pagtatrabaho ko sa Library bilang tig-ayos ng mga libro doon. "

Sa mga sinabi niya di ko maiwasan na mas lalo pang magtaka..
Ano bang meron sa library?
At bakit parang hindi ikinakabahala ng akademyang ito ang mga kaso ng mga nawawala na studyante?
Meron namang mga pulis na pumupunta dito para mag imbestiga pero lahat sila ay sinasabi na tumakas ang mga ito dahil sa mga personal na bagay.

"Saang parte ng library ba nung huling namataan mo sila?"

Pagtatanong ko.
Hindi ko na talaga mapipigilang ang sarili ko na hanapin ang mga kaibigan ko at gumawa ng aksyon hinggil dito.

Transcend World: The Elemental SpiritsWhere stories live. Discover now