“Ito.  Kailangang masaulo mo ang lahat ng yan.  Don’t worry, magpa’practice tayong dalawa para mas madali nating matandaan.” Inabot niya sakin ang isang coupon bond na may printed na picture.

“Ano ba ‘to?”

“Xander, for your information, yan ang alphabet na ginamit sa Hunter X Hunter.  Nakuha ko yan sa internet tapos gusto kong matutunang sumulat at magbasa ng ganyan kaya pinag-aaralan ko.  Ano pang tanong mo para makapagsimula na tayo.”

“Para saan at pag-aaralan natin ‘to?” She faced me while smirking kaya napataas ang kilay ko.

“What now?”

“Sabi mo, ‘natin’ ibig bang sabihin, payag ka ng mag-aral din nito?”

“I guess.  Wala naman akong masyadong ginagawa eh.  How about you?  Wala ka bang kailangang gawin sa mga kompanya mo?”

“Nah, my secretaries can handle those things while I’m out.” I nodded.

“Para saan nga ulit ito?”

“Hmm, sabihin na nating secret natin itong dalawa.  Kapag may gusto kang sabihin sa akin na ayaw mong malaman nina Ran, magsulat ka lang gamit ang alphabet na ‘to tapos ibigay mo sakin.  Ganun din ang gagawin ko kapag may gusto akong sabihin sayo.  Pwede na bang rason yun?” I shrugged.

“Sounds fun to me.”

Nagsimula na kaming magsulat gamit ang alpabetong yun.  Hindi naman siya masyadong mahirap tandaan kaya medyo dumarami na ang mga natatandaan kong letters pero mas magaling talaga ang memorya niya dahil parang naglalaro lang siya pero mas marami na siyang natatandaan kumpara sakin.  Ang ginawa lang namin ay nagsusulat kaming pareho gamit ang alpabetong yun at pagkatapos ay magpapalitan kami ng papel para basahin kung ano ang sinulat ng isa.  May mga pagkakataon na kailangan ng isang letra lang pero since walang ganun, ginagamit na lang namin ang pinakamalapit sa tunog kapag binasa.  We tried using Filipino and English songs.  Meron din siyang kinuhang libro sa kwarto niya na puro mga tula ang laman and we tried that too.  Hindi ko alam kung ilang oras na ba kaming ganun lang ang ginagawa pero nakita kami nina Kyran at Cloud at naki’usyoso sila sa ginagawa namin pero agad na tinakpan ni Keira ang mga nagkalat na papel kaya natawa ako.

“Anong ginagawa niyo?” Cloud asked without bothering to conceal his amusement towards Keira who’s still sprawled on the floor trying to cover as much paper as she can.

“Come on, Big Boss, let’s clean this up.  Ipagpatuloy na lang natin ito sa susunod.” Naupo na siya ulit at mabilis na kinuha ang mga papel at tumulong din ako.  Pagkatapos namin at dumating na rin sina Clark at Khyan.

“What’s that, KZ?”

“Wag nga kayong matanong.  Secret namin ‘to ni Xander kaya wala akong sasabihin.  Ikaw din Xander, wala kang sasabihin na kahit ano sa kanila.  Don’t you dare betray me or else, bubugbugin kita.” Hindi ko masabi kung seryoso ba siya o hindi kaya um’oo na lang ako.

“Yes, Big Boss.”

“Good.  Kain na tayo.  Nagutom ako dun ah.” Naglakad na siya palayo samin habang bitbit yung mga ginamit naming papel.  Nakatingin lang kami sa kanya hanggang sa mawala siya dahil pumunta na sa kwarto niya.  Halos sabay-sabay naman na tumingin sakin yung apat.  They’re actually glaring at me.  I just smirked at them.

“What? You heard the Boss.  It’s our pretty little secret.” I winked at them and I heard them cursing me and the likes.  You don’t want to go to details with that.

~~~END OF FLASHBACK~~~

This must be a hell of a coincidence.  Her perfume, and now this alphabet.  I read the writings and by the time I finished reading it, a cold sweat run down my face.  Goosebumps covered my body and my mind is overheating with so many things going through it at the same time.  The letter says exactly like this:

Kamusta ka, Xander?
                                                - K

Nabalik ako sa kasalukuyan nang bumukas ang pinto ng opisina ko.  Pumasok ang sekretarya ko na parang nagtataka.

“Are you okay, Sir?  Ang putla niyo po.” Ibinalik ko sa loob ng blue envelope ang kulay pulang card at tumayo na.

“I’m fine.  I’ll go ahead.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot at lumabas na ako ng building at pumunta sa susunod kong meeting.  I’ll deal with whoever sent me that letter later.  Whoever did this will surely pay for messing with me.  I’ll find out how the hell they found out about our secret. 

The meeting at Buenaventura Jewelries took an hour and before I knew it, I was back at my office in one of Buenaventura’s hotels.  Kinausap ko ang sekretarya ko kung sino ang nag’iwan nang sulat pero sinabi niyang nakita niya na lang daw yun sa lamesa niya pagdating niya kanina.  I went to the control room at kinuha ko ang CCTV footage from yesterday noon up to this afternoon.  Whoever left that letter, malaki ang chansang nakuhanan siya ng CCTV cameras ng hotel.

With the plan in mind, nagmaneho na ako pauwi para dun na panoorin ang mga footage sa mansion.

(AN: That message was written using the alphabet used in the anime Hunter X Hunter. See the picture in the multimedia for this chapter or the one below. Sinubukan ko siya i'rotate pero hindi ko maayos 😂😂)

 Sinubukan ko siya i'rotate pero hindi ko maayos 😂😂)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mafia of Mafias: Heir Apparent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon